Wednesday, August 26, 2015

Wish ni Vice: Makapagpa-picture kay Ate Guy



Matagal nang dream ni Vice Ganda ang makausap nang personal at makapagpa-picture sa nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.
Sa Kris TV kahapon, i- namin ni Vice na pangarap niya na magkaroon sila ng selfie ni Ate Guy, “Close ako kay Ate Vi (Vilma Santos). Kay Inang Maria (Maricel Soriano), close ako.
Si Mega (Sharon Cuneta), chika ko. Si Ms. Nora Aunor na lang.” Ikinuwento pa ni Vice na talagang nanghinayang siya nang hindi siya nakapagpa-picture kay Nora nang magkasama sila sa isang event ng Metro Manila Film Festival.
“Ngarag na ngarag kami doon. Hanggang sa nakauwi na kami sabi ko ‘di ko na meet si Ate Guy, ‘di yata pumunta.” “Nu’ng nanonood ako ng ‘TV Patrol’ ipinakita ‘yung press con nasa tabi ko siya.
Kasi nung pag-upo ko dire-diretso na ‘yung tanong, nataranta na ako dahil ang daming camera, ang daming nagtatanong. Hindi ko tuloy nakita ang pakay ko.
Sabi ko katabi ko pala si Ate Guy di ako nakapagpa-picture man lang,” pahayag pa ng komedyante.

No comments: