Wednesday, August 26, 2015

Regine adik na adik din sa Aldub: Si Nate rin fan nila!



KAHIT pala ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ay lukang-luka na rin sa tambalang AlDub sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

Enjoy na enjoy daw talaga si Regine kapag napapanood na niya sina Alden Richards at Yaya Dub o Maine Mendoza sa tunay na buhay, sa noontime show ng GMA.

“Nagkakagulo ang sambayanang Pilipinas dahil sa AlDub,” chika ng Songbird sa interview sa kanya ng 24 Oras. Mas naging close si Alden kay Regine nang gawin nila ang Bet Ng Bayan noon at masayang-masaya raw siya ngayon sa kasikatang tinatamasa ng binata pati na rin ni Yaya Dub.
“I am so happy for Alden. Natutuwa ako kay Maine…actually ang ganda-ganda niya, nagpapapangit lang siya. Actually, bagay silang dalawa ni Alden,” chika pa ni Regine.

Kahit nga raw ang anak nila ni Ogie Alcasid na si Nate ay aliw na aliw kapag napapanood na ang kalyeserye ng Eat Bulaga, “Nakakatawa yung anak ko kasi involved siya.
Kilala niya kasi si Alden. Tawag nga niya, ‘Kuya Alden.’ “Ikinuwento niya, ‘Si Yaya Dub, Mommy, nagsakay siya ng jeep tapos naghawak siya, kasi puno na yung jeep!’” natatawang sey pa ni Regine.

May advice ba siya kina Alden at Yaya Dub, “Walang susuko. Kapag tunay ang pagmamahalan, mangyayari rin ‘yan.”

No comments: