Wednesday, August 26, 2015

Ai Ai kinuyog ng ASAP20 fans, tinawag na inggitera




Bumuwelta kay Ai Ai ang statement niyang mas mabuti na ang ASAP ang nanggagaya kaysa sila sa Sunday PinaSaya ang manggaya.

Meron na kasing drama component ang ASAP kaya naman nasabing gaya-gaya sila sa katapat na show.

Pero rumesbak ang ASAP fans sa laos na komedyante.
Dami nilang kuda sa sinasabi nilang walang utang na loob na comedienne. “Matagal na ang karaoke ng ASAP no, ilang buwan lang wala na rin yang show nila, puro Laos na ang nandyan, sa abs naman sya yumaman e, bitter lang sya kasi di sya pinigil ng abs nung lilipat sya,” one guy said.

Aray ko! “Inggitera talaga si Ms. AiAi. Hahahaha!” walang pasingtabi na sey naman ng isa pa. “Kung mkpgsalita nmn to parang hndi yung abs ang nagpasikat sa knya tsaka nagaASAP nmn xia dati ah,” say ng isang galit yata kay Ai Ai.

“Andami mong alam ai ai laos k na after a month mwawala na ung programa nu sa ABS CBN k sumikat!” pahabol naman ng isa pa.

“Ganyan ang ugali ng taong Walang utang na loob. Let’s see kung hanggang kailan ang tayog ng lipad ng saranggola ni Ai Ai,” obserbasyon naman ng isa pang guy.
Ano kaya ang masasabi ngayon ni Ai Ai?

No comments: