Wednesday, August 26, 2015

Albert kay Yen: Tinuruan niya ‘kong magmahal uli! kakakilig!



NAALIW naman kami kina Albert Martinez na sa edad 54 ay bagay pa ring makipag-loveteam sa isang 22-year-old actress tulad ni Yen Santos. Sila ang magkatambal sa bagong afternoon serye ng ABS-CBN na All Of Me.

Kung iisipin mo ang agwat ng kanilang mga edad ay puwedeng maging anak na lang ng aktor si Yen, sabi nga ni Little (palayaw ni Albert), “Mas matanda pa ang youngest daughter ko kaysa kay Yen.”

Actually, nakakakilig ang mga eksena nina Manuel (Albert) at Lena (Yen) sa All Of Me, lalo na sa unang pagkikita nila sa isang isla kung saan nagbabakasyon ang una dahil gusto niyang makalimot sa pagkamatay ng asawang si Ina Raymundo.
Bago pa naging mag-asawa sa kuwento sina Albert at Yen ay marami pang pangyayari sa serye na tiyak na ikaaaliw ng manonood, kabilang na ang pagpapakipot ni Albert kay Yen dahil natatakot siyang magmahal uli lalo na sa ka- sing-bata ng dalaga.

Kaya nang maging magdyowa na sila ay kailangan siyempre ng kissing scene, idagdag pa ang kanilang honeymoon. Ikinagulat namin ang reaksyon ng mga taong nanood sa advanced screening ng All Of Me na ginanap sa SM Megamall Cinema 7 noong Lunes ng gabi.
Hiyawan to the max ang mga tao na i- kina-shock din pala nina Albert at Yen. Sabi rin ni Albert nang makausap namin pagkatapos ng screening, “Ako rin kinikilig, eh, kaya nga na-enjoy ko ito kasi it reminded me of my younger years, alam mo ‘yung feeling mo sa loob, very near of my younger years.
“Oo nga, nagulat talaga kami, I’m glad na na-appreciate nila, somehow naapektuhan sila nu’ng sincere na emotions nu’ng dalawa, sa totoo lang, ako rin talaga kinilig (sabay tawa),” ani Albert.

At ang nakakatuwa, may sumisigaw na sa loob ng sinehan ng, “AlYen! Alyen!” na katunog daw ng alien, sabi ng aktor sabay tawa, “Hindi ko ini-expect na sa edad (54) kong ito, magkakaroon pa ako ng loveteam?
“Kinikilig ako sa episode, eh, nakakakilig ‘yung feeling na you’re holding back na you don’t want, pero she’s pursuing you, so what do you do, so iyon ‘yung part na parang ayaw mo, pero kapag binigyan ka ng isang gesture na (maganda), parang paano?” dagdag pa ng veteran actor nang makausap namin.

Diretsong tanong namin sa aktor kung hindi naman siya naasiwa sa kissing scene at love scenes nila ni Yen dahil nga napakabata pa nito, “Hindi naman, kasi bago naman kunan ‘yun, dumaan muna kami sa series of familiarity workshop para hindi kami mailang sa intimate scenes.”

Single and available ang status ngayon ni Albert, may posibilidad bang magkagusto siya sa mas bata sa kanya tulad ni Yen, “Honestly, right now, I’m still grieving, and it doesn’t cross my mind, but who knows, maybe in a year, 2 years, 5 years, 10 years it will happen.

“I’m not closing my doors, pero as of the moment it doesn’t cross my mind, but honestly, I’ve felt good doing this soap opera, kasi it opened my heart, parang tinulungan niya akong magmahal ulit, somehow.
The moment na shinut namin iyon, nagkaroon ako…my heart starts to pump all over again,” pag-amin ng aktor.
At posible kayang si Yen ang girl na yun? “We’re comfortable with each other, hindi naman niya ako tinatawag na kuya or tatay or anything, but we’re really comfortable na she trusted me and I trusted her, so ganu’n lang ‘yun.

“We have a relationship in a way of trust, dinala niya ako sa eksena to fall in love with her and I allowed her to fall in love with me, maganda ‘yung naging rehistro namin, the magic word is tiwala.
Yung level ng tiwala namin, hindi ‘yun nangyayari sa ganu’n kabilis na soap opera,” dagdag pa ni Little.
Sa eksenang namatay ang asawa ni Albert na si Ina ay kitang-kita ang hinagpis at iyak ng aktor, naka-relate ba siya rito, “Oo nga, eh.

Hindi ko alam kung sinadya nila (writers), pero the production keeps on telling me na, ‘Hindi sir, nasulat na po ‘yung script before (mamatay si Liezel Sumilang-Martinez) pa, it’s a two year-old script.

“I was crying nga kanina while watching it. Nag-shoot kami, 4 weeks after mamatay ni Liezel, it’s a pain that’s not easy.”
Tinanong kung katulad din ng eksenang nagbilin si Liezel na gusto niyang maging masaya ulit si Albert at hanapin nito ang babaeng makakapagpasaya sa kanya, “No, she never said it, kasi all the time we’re together, always the two of us lang (pinag-uusapan), walang iba,” pahayag ni Albert.

Mapapanood na ang All Of Me sa Lunes, Agosto 31 pagkatapos ng It’s Showtime at makakasama rin dito nina JM, Yen at Albert sina Angel Aquino, Ina Raymundo, Neri Naig, Ana Capri, Micah Munoz, Jordan Herrera, Sue Ann Ramirez at Akira Morishita mula sa direksyon ni Dondon Santos at sa ilalim ng produksiyon ng Star TV

No comments: