Wednesday, August 26, 2015

Alden umaming napapagod na rin sa isang linggong programa sa GMA 7



NAYUYUGYOG ang buong Studio 7 sa tuwing lalabas si Alden Richards sa Sunday PinaSaya. Matinding tilian at palakpakan ang maririnig kaya halos ‘di na maintindihan ang mga sinasabi ni Alden sa loob ng studio ng GMA 7.

Personal na na-witness namin ‘yan every time manonood kami ng Sunday PinaSaya nang live. Sakto naman at nagkaroon kami ng chance na makaharap si Alden sa dressing room ng isa ring main host ng show, ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas at ang Primetime Queen na si Marian Rivera.

Actually, tinest namin si Alden kung aamin ba siya na dati siyang talent ng Backroom, na mina-manage noon ng King of Talk na si Boy Abunda.

Hindi naman nag-deny si Alden and he acknowledged na nagsimula siya bilang Backroom artist before at nakalabas na rin sa ilang programa ng ABS-CBN.

Naaalala pa namin, kasama si Alden sa isang all-male group ng Backroom noon. In fact, piniktoryal pa namin sila para sa The Buzz Magasin.
Nakakatuwa si Alden kasi kahit sikat na sikat na, e, marunong pa ring kumilala at lagi lang nakangiti. Sabi nga ni Ai Ai sa amin, sadyang mabait na bata si Alden.

From Monday to Sunday ng tanghali may live show si Alden sa GMA. Pagkatapos lang ng Eat Bulaga ay sa Sunday PinaSaya lang siya maaaring mag-shoot ng movie or mag-taping plus raket on the side.

But despite this, hindi namin kinakitaan ng pagod at tantrums si Alden habang kasama namin siya ng loob ng dressing room.
All smiles pa rin siya palagi. Although, when we asked him kung pagod na siya after ng live telecast ng Sunday PinaSaya, diretsahan at walang kyeme-kyemeng tumango si Alden sa amin.

Kaya bumuwelo muna siya, nagpahinga at nag-freshen-up ng sandali bago lumabas ng studio ng GMA kung saan naghihintay naman ang laksa-laksang fans nila ni Yaya Dub.
Nagulat naman ang ilang bystanders nu’ng sumakay na sa kanyang kotse si Alden. Isang mamahalin na super high-end na sports car kasi ang sinakyan ng binata paaalis ng GMA

No comments: