Saturday, August 29, 2015

Pidol nagmulto, ayaw ipabenta ang mga ari-arian



KINUMPIRMA ni Epy Quizon na itinigil muna ang pagbebenta ng mga naiwang ari-arian ng kanyang amang si Comedy King Dolphy sa pama- magitan ng isang auction.
Ayon kay Epy nang makorner ng ilang entertainment reporters sa presscon ng pelikulang “Heneral Luna” kung saan kasama siya, karamihan daw kasi sa mga bidders ay biglang nag-backout.
“Madaming parang ayaw mag-bid sa harap ng camera,” aniya na ang tinutukoy nga ay ang auction na magaganap sana sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN building.
“That day nag-usap-usap kami parang ayaw ni Daddy na ibenta ‘yung properties. Madami sa mga kapatid ko (sabi na) huwag muna.
Even I, sabi ko, ‘Huwag muna parang may message si Daddy na huwag muna nating ibenta,” chika pa ng aktor na gaganap ngang Apolinario Mabini sa biopic na “Heneral Luna” na bibigyang-buhay naman ng award-winning actor na si John Arcilla.
Pagpapatuloy pa ni Epy, “So hanggang ngayon maski ‘yung mga binidan ay pinull out na namin. May mga bumibili nu’ng araw na ‘yon sa silent bid, ‘huwag na muna, i-reserve na lang muna natin.’ So, naka-reserve ngayon.”
Naghihintay lang daw ang pa- milya Quizon ng sign para sa pagbebenta ng properties ni Mang Pidol, “Parang pahinga muna tayo. Pakinggan muna natin ang mensahe ni Daddy.
Managinip muna tayo ulit kung paano tayo kakausapin ni Daddy ulit kasi parang ayaw niya.”
Samantala, umapela naman si Epy sa mga bashers na tigilan na ang panlalait at pambabastos sa dating partner ni Pidol na si Zsa Zsa Padilla, na balak na ngang magpakasal sa bago nitong boyfriend na si Architect Conrad Onglao.
Marami kasi ang namba-bash sa Divine Diva tungkol sa pagpapakasal nito kay Conrad, lalo na yung hindi pa rin maka-move on sa relasyon nila ng yumaong Comedy King.
“Huwag na, tama na. Namatayan na nga ‘yung tao, pabayaan niyo na maging masaya. Pabayaan na lang nating maging masaya,” ani Epy.
“For the bashers, I know nasaktan siguro sila dahil para sa kanila it’s too soon and all that but for me, bakit kami hindi na kami nasasaktan.
All I can do is wish her all the happiness and who am I to stop her from being happy,” hirit pa ng magaling na aktor.
Na-meet na raw ni Epy si Conrad at naniniwala siya na mahal na mahal nito si Zsa Zsa, “He is very well educated. Alam niya kung paano humarap sa tao, marunong humarap sa tao.
And you know he loves Zsa Zsa.” Dugtong pa nito, “I don’t want to say my father is in the past but my father is in heaven and, of course, my father would have agreed also for her to be happy in this lifetime.
Bakit naman namin ihi-hinder ‘yung happiness ng isang tao just because of personal reason.”
Pupunta raw siya sa kasal nina Zsa at Conrad kung iimbitahin siya.

No comments: