Thursday, October 8, 2015

Kuh bilib na bilib kay Alden: Napakabait na bata at madasalin



ISA ang Pop Diva na si Kuh Ledesma sa mga natutuwa sa tagumpay na tinatamasa ngayon ni Alden.
Sinabi ni Kuh na deserving ang binata sa lahat ng blessings na dumarating sa buhay niya.
Sa presscon ng kanyang next major concert, ang “35+ The KuhL Event”, sinabi ng singer-actress na super happy din siya sa success ngayon ni Alden. Pinatunayan niya na napakabait na bata ng aktor bukod pa sa sobrang sipag at marespeto sa co-stars and co-workers niya. “At higit sa lahat, madasalin si Alden, kaya siya pinagpapala.”
Nakasama ni Kuh ang Kapuso actor sa reality ta-lent search ng GMA 7 na Bet Ng Bayan kung saan nagsilbing cohost ni Regine Velasquez ang binata.
Anyway, agree kami na umabot na sa rurok ng tagumpay bilang pinakasikat at pinakamatagumpay na mang-aawit sa ating bansa si Kuh Ledesma. Sa mahigit na tatlong dekada sa industriya ng musika, napatunayan na ng Pop Diva na hindi lang siya magaling na singer at concert artist, marami na rin siyang napauso, isang tunay na diva at puno ng class.
At para sa selebrasyon ng kanyang mahigit 35 taon sa industriya, ay magtatanghal ng napakalaking concert ang Pop Diva titled “35+ The KuhL Event” sa Oct. 16, 10 p.m.. Makakasama niya rito ang kanyang mga kaibigan sa industriya, kabilang na sina Gary Valenciano, Regine Velasquez-Alcasid, Jaya at Tirso Cruz III. Makiki-join din sa event na ito ang kanyang unica hija na si Isabella, si Migo ng Starstruck at ang Perkins Twins na sina Jesse at Christian.
Bukod dito, makakasama rin ni Kuh on stage si Fernando Carrillo na gumanap na Fernando Jose sa Mexicanovela na Marimar. Sa nakalipas na dalawang buwan, nagkita sila ni Kuh at ang naging reaksyon ni Kuh, “Hindi pa rin siya kumukupas, ang gwapo pa rin niya hanggang ngayon!”
Ang “35+ The KuhL Event” ay hatid sa inyo ng 106.7  Energy FM, Aadvanced Aesthetics by Dra. Venia Javellana, Wheels Gallery, Philippines Lending, Hacienda Isabella at ng Tango.
Ang concert ay gagawin sa Christ’s Commission Fellowship (CCF) Center Main Auditorium sa Tiendesitas sa bandang C5 sa Pasig. Pahabol pa ni Kuh, “Ito ang pinakamagandang auditorium dahil sa state of the art equipment at ang mga upuan ay first class. At home rin ako dito sa a-king simbahan.”
“Hindi ito all gospel show, ito ay pop-inspirational, ngunit ito ay nakakaaliw at naka-kabusog sa paningin. Kwento ito ng buhay ko na nakalapat sa musika. Sa aking paglalakbay tungo sa makabuluhang buhay. Ang mahigit 35 taon ko sa show business ay pinlano ng Diyos at patuloy Niyang isinasaayos ang aking buhay para sa kapurihan Niya sa kataas-taasan.”
Hindi mabibigo ang kanyang fans dahil aawitin pa rin niya ang kanyang timeless hits, “Para sa akin isa sa timeless songs ko ay Till I Met You. Kahit ang mga kabataan ngayon ay alam ang kanta at ito rin ay ni-record ni Regine at Angeline (Quinto),” sabi niya.

No comments: