Thursday, October 15, 2015

Julie Anne ayaw maging third party sa Alden-Maine loveteam




MAAYOS na muli ang rela-syon nina Julie Anne San Jose at Alden Richards, na balitang nagkaroon din ng mutual understading noon pero nagkahiwalay din diumano dahil sa tsismis at intriga.

Magkasama sa Sunday PinaSaya ang dalawa at ayon kay Julie Anne professional at civil naman sila ni Alden sa isa’t isa kapag nagkikita.

Nakachika namin kamakailan sa ibinigay na presscon ng GMA para sa season 2 ng seryeng Buena Familia si Julie Anne at ibinalita nga niyang masaya ang buong production ng Sunday PinaSaya dahil pa-tuloy ang paghataw ng kanilang weekly variety show sa ra-tings game.
At dahil may “past” nga sila ni Alden, naitanong kay Julie Anne kung kinikilig din ba siya sa AlDub loveteam at kung payag ba siyang maging third party sa dalawang Dabarkads sakaling alukin siya ng GMA.

“Oo naman po, sino ba naman ang hindi kikiligin sa kanila? Halos lahat ng nanonood ng kalyeserye ng Eat Bulaga, kinikilig sa kanila,” chika ng Asia’s Pop Sweetheart.
Pero diretsong sinabi ni Julie Anne na hindi siya agree kung sakaling pagsama-samahin sila nina Alden at Maine Mendoza (Yaya Dub). “Ayaw ko po muna. Hindi ko pa po alam. Pero ngayon po kasi, sobrang mainit po kasi ang love team nila.

“Ayaw ko naman po na, alam mo yun…ayaw ko naman po na ang dating ay nakikisakay ako or ano, di ba? I don’t think that’s a good idea,” ani Julie.

Pero agad ding sinabi ni Julie Anne na lahat naman ay madadaan sa maayos na usapan, hindi rin naman daw kasi niya kontrolado ang lahat ng bagay. Depende pa rin daw kasi ito sa management kung sakali mang dumating ang panahon na pagsama-samahin nga sila nina Alden at Maine sa isang proyekto.

“Lahat naman po…may mga nadadaan sa magandang usapan. I think kailangan talaga ng magandang usapan. Ewan ko po, depende rin po sa management,” sey pa nito.
Sa tanong kung bakit nagdadalawang-isip siyang makasama ang AlDub sa isang project, “Kasi ayokong ma-bash e. Ayoko po ka-sing…yeah, that’s one possible reason. Medyo kasi may mga below the belt na.

Minsan nadadamay ang family. Medyo nakaka-offend. But I really can’t please everyone. Ako, in-accept ko na lang yun or tinatanggap ko na lang yun as a challenge to do better.”
Samantala, ikinuwento naman ni Julie Anne na sa ikalawang season ng serye nilang Buena Familia ay mas maraming madadramang tagpo na mapapanood ang Kapuso viewers.
Abangan daw ang mga eksena niya rito kung saan mas maipakikita niya ang kanyang pagiging singer.

Present din sa ginanap na pocket presscon ng Buena Familia ang iba pang members ng cast tulad nina Angelu de Leon, Julian Trono, Kylie Padilla, Mona Louise Rey at Bobby Andrews.




No comments: