Thursday, October 15, 2015

Kylie pumayag nang magpaseksi sa Men’S Magazine kahit bawal; lagot kay Robin




MAY gagawing malaking pasabog ang Kapuso singer-actress na si Kylie Padilla sa susunod na buwan na tiyak daw na ikawiwindang ng kanyang amang si Robin Padilla.
Ayon kay Kylie nang makausap namin sa pocket presscon ng GMA para sa season 2 ng seryeng Buena Familia kamakailan, sa November na ilalabas ang sexy pictorial niya para sa isang men’s magazine.

At nga-yon pa lang daw ay kinakabahan na siya kung ano ang magiging reaksiyon dito ni Binoe. Labag din ito sa kanilang relihiyihong Islam.

Hindi kasi nagpaalam si Kylie sa kanyang tatay na gagawin niya ang nasabing co-ver pictorial para sa isang sexy magazine kaya sigurado siyang masa-shock ang action star.
Hindi man daw garapal ang ginawa niyang paghuhubad, para sa kanya ay da-ring na ‘yun dahil bukod sa kanyang hita at likod ay masisilip din daw ang kanyang boobs.
Ipinakita sa amin ni Kylie ang isang litratong gagamitin sa men’s magazine kung saan nakatalikod siya at bukas ang zipper ng kanyang gown.

“Sexy na ‘yun. Mapapaga-litan na ako nu’n. Tsaka para sa akin, mas ano ‘yan, e, mas sexy. Kapag nakikita ng lalaki yun, sasabihin nila, ‘Tan#%$#”#! Hubaran na natin ‘yan!’ Alam mo yun?”

Feeling ba niya, mapapaga-litan siya ni Robin dahil dito? “Hindi naman. Madi-disappoint siya.


Sasabihin ko na lang sa kanya, para sa akin naman yun, e. At alam ko naman hindi naman siya bastos tingnan. Hindi naman ako forever na lang na ano…kasi feeling ko, nag-stuck yung career ko at hindi ko alam kung ba-kit.
“Hindi ko nga namalayan na nag-stuck, e. So, pinag-isipan ko kung ano ba ang kailangan kong gawin para makita ng mga tao na, you know, I’m not a little girl or hindi ako puwedeng… hindi ko kayang magdesisyon ng (para sa) sarili ko.

So, kailangan ko, di ba? Hindi na ako bata,” paliwanag ng isa sa mga bida ng seryeng Buena Familia na in-extend nga ng GMA dahil sa taas ng rating nito.

Biro pa ni Kylie, magtatago siya kapag lumabas na ang magazine para hindi siya makita ni Binoe, “Titingnan ko na lang muna yung reaksiyon niya. Si-guro pupuntahan ko na lang siya, dalhan ko siya ng something. Sana.”

Meanwhile, directed by Gil Tejada Jr., Buena Familia continues to dominate its timeslot. Matapos ngang masuong sa mga problema ang kanilang pamilya, maayos na uli ang rela-syon ng magkakapatid na Celine (Kylie), Darling (Julie Anne San Jose), Edwin (Julian Trono) and Faye (Mona Louise Rey). Bukod dito, isa na ring sikat na singer si Darling.

Good things are beginning to happen but Josephine (Sheryl Cruz) and Quentin (Dino Guevarra) continue to plot revenge against their family.
At dahil sa pagkontrol ni Quentin kay Bettina, isang trahedya ang magaganap na muling susubok sa katatagan ng Buena Familia.



No comments: