Wednesday, October 14, 2015

Sharon: Maraming salamat po, ate Guy…mahal kita!



Even if it’s too late, nagpasalamat si Sharon Cuneta sa gesture ni Nora Aunor na i-dedicate sa kanya ang napanalunang award sa FAMAS recently.
“Most of all, maraming, mara-ming salamat po, Ate Guy, Miss Nora Aunor, and nag-iisang Superstar ng bansa, sa di ko inaasahan kahit kailan na napakagandang ‘regalong’ ito na galing po sa iyo.
Sa lahat ng tao, ikaw pa Ate Guy ang nagbigay ng respeto at karangalan sa akin.  “Di bale, tulad mo, alam ko din naman ang lahat ng nagawa ko noong buong mga dekadang 80s at 90s.
At dahil sa iyo po galing ang parangal na ito, Ate Guy, na kinikilalang isa sa pinakamahuhusay na artisa hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo, di ko na kailangan pa ang parangalan ng anumang institusyong tila nakalimot sa lahat ng kontribusyon ko sa industriya.
“Mas higit pa ang natanggap ko dahil tayong mga artista ang nakakaalam kung gaano kahirap di lang ang sumikat kundi ang i-maintain ang kasikatan at talunin ng talunin ang sariling gawa.
Maraming, maraming salamat po, Ate Guy. Mahal kita.” That was Sharon showed her gratitude to Ate Guy on her Facebook account.



No comments: