Wednesday, October 14, 2015

Flight attendant na kumuha ng picture ni Alden na natutulog inireklamo, sinuspinde?



MARAMI ang nalungkot sa balitang magsasampa raw ng reklamo ang  GMA 7 laban sa flight attendant ng isang airline na kinunan ng picture si Alden Richards habang natutulog.

Ito’y matapos ngang padalhan ng legal notice ng Kapuso network ang Cebu Pacific na pinaglilingkuran ng nasabing flight attendant dahil sa invasion of privacy.

Sa nasabing larawan, makikita si Alden na natutulog habang nakaturo ang isang lalaking flight attendant sa kanya. Isa pang babaeng flight attendant ang kasama sa larawan.
Ang balita humingi na rin naman daw ng sorry ang flight attendant at tinanggal na niya ang larawan mula sa kanyang social media account.

Ang chika pa ay binigyan na rin ng leksyon ng airline ang flight attendant.  Binigyan daw ito ng anim na araw na suspensyon.
Sa isang blog site na adobotalkph.com, iniulat nito na nagpaliwanag ang flight attendant na kinilala nito bilang isang Justin.

Ayon sa ulat, wala umano siyang intensyon na siraan o ma-offend ang artista.   Hindi na raw niya hinintay pang magising ang aktor para makahingi ng permiso na makunan siya ng larawan dahil tiyak na magmamadali itong lumabas ng eroplano para hindi dumugin ng mga pasahero na makakakilala sa kanya at magpapa-picture.



No comments: