Saturday, September 12, 2015

Dahil sa pambabastos at panlalait ng LizQuen fans: Nanay ni Jessy Mendiola nagbanta!





IDEDEMANDA ng nanay ni Jessy Mendiola ang Kapamilya young actor na si Enrique Gil.
Ito ang ginawang pagbabanta ni Mrs. Didith Garvida sa kanyang Twitter account nang ulanin ng batikos ang kanyang anak.

Nag-post kasi ng mensahe sa Instagram si Jessy na pinaniniwalaan ng maraming netizens na patama kay Enrique sa gitna nga ng kontrobersiyang kinasasangkutan nito ngayon na may kinalaman sa pagwawala niya diumano sa loob ng eroplano.

Ayon sa post ni Jessy: “The truth will always come out no matter how you lie about it. You know what you did, so don’t try to squeeze yourself out by fabricating stories. Even trying to ruin other people’s relationship with your twisted mind. Someone heard and saw what you did. What goes around comes back around brother.”

Ayon sa ilang bashers, si Enrique raw ang pinatatamaan ng aktres dahil nga sa nangyaring kaguluhan sa eroplano habang patungo sila sa London noong nakaraang linggo. Balitang nabastos ni Enrique si Jessy, pati na rin ang ka-loveteam nitong si Liza Soberano.

Matapos i-post ni Jessy ang kanyang makahulugang mensahe ay puro panlalait at pambabastos ang inabot nito sa mga fans nina Liza at Enrique. Tinawag nilang “papansin,” “wala nang career,” at kung anu-ano pang malilisyosong salita ang Kapamilya actress.

At dito na nga umeksena ang nanay ni Jessy dahil naasasaktan na ito sa pambabatos sa kanyang anak.
Unang mensahe ni Mrs. Didith, “It was not settled in London and you better stop now. There might be consequences for you bashing Jessy. Maaalanganin. Kaya stop na kayo. Kayo ang overacting. Itigil nyo na yan. Warning you again ha.”

Patuloy pa ng ina ng aktres, “So Jessy pa ang di nice, ay iha, what is wrong ba with you? She is nice to the highest level. Wag ka na magsalita okay na. Baka mauwi pa sa hindi maganda ng dahil sa inyo. So now, I am warning you. You stop na. Cyber crime law. Remember that.”

Sa kabila nito, hindi pa rin tumigil ang followers ng tambalang LizQuen, kaya nagbanta na ang nanay ni Jessy, “Actually, yes she can file a case. So you stop it. Right here, right now.”
“Sinasabi ko sa ‘yo, tumigil ka. Do not push me. Ikakasa ko ang pag-file sa idol nyo pag di kayo tumigil. Tandaan nyo yan wag nyo ako galitin.”

Hirit pa nito, “For your information, I will file a case against Enrique Gil soon. Because you are not stopping, will let your idol take the consequences of your action, is that what you want? We will make a thorough investigation into this para talagang lumabas ang pinaka-totoong nangyari kasi masyado kayong mapilit!”

“Keep commenting this is one of the evidence why we want to file. Keep doing it. Your idol supposedly harassed her and you are harassing her. Evidently, violation against women. Okay, fair enough. One more time you stop and I stop. I don’t know you all but I guess you guys want it this way, we will give it your way.”



No comments: