Saturday, September 5, 2015

‘Bastos ang ibang fans ng AlDub, walang respeto!’ Pati si Kathryn idinamay, tinawag na sakang





ONE evening ay napag-usapan namin ng partner kong si Papa Ahwel Paz ang sikat na tandem na AlDub sa radio program namin sa DZMM. It was about these AlDub supporters na pilit na kinukumpara ang kanilang idolo kung kani-kanino.

Merong nag-iilusyong para raw si Nora Aunor ang mga idolo nila sa kasikatan. Halos sambahin na raw kasi ng mga tao ang dalawang bagets.

Meron namang pilit na kinukutya ang tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at sinisiraan pa nang personal si Kathryn by saying na sakang ito and all.
How rude, di ba?Ang sabi ko sa program namin, huwag silang masyadong mag-ilusyon. Huwag maging matayog dahil unang-una ‘kako, wala pa namang napapatunayan ang AlDub as a loveteam except for their exposure sa Eat Bulaga.

Kumbaga, malaking tsamba ito for the show na merong ganitong segment na sobrang nag-click. Pero outside of EB ay wala pang napatunayan ang AlDub.
Si Alden Richards, yes, kahit paano ay nakalabas na iyan sa maraming TV shows and movies pero si Maine Mendoza ay starter pa lang. We never argued with their popularity – we never questioned that.

Sikat talaga sila. Pero pag hindi sila nabigyan ng other breaks outside of Eat Bulaga, just like anyone else, malalaos din ang mga iyan.

What’s wrong with that, AlDub fanatics? Imagine, right after that night, I was immediately bashed. Oks lang naman ang ma-criticize pero ang ginagawa nila, talagang bastusan.
I’m sure na hindi magugustuhan mismo nina A
lden and Maine ang mga pinaggagawa ng mga walang modong Aldub fans na ito.

Hindi ko naman nilalahat dahil marami akong kaibigang edukado na fans ng dalawa pero yung iba sa mga namba-bash sa akin ay walang kasing bastos at squatteric. Mga bobo to the max talaga. Kaya ako? Agad kong bina-block sila sa FB account ko.

Hindi yata nila alam na sila rin ang nagpapabagsak sa mga idolo nila dahil sa kabastusan nila. I don’t care kung milyon-milyon silang mga fans – kung mga barubal naman eh bale-wala rin iyon. Oks na lang ako to have 500 followers pero solid naman and disente, di ba?

Some say na bitter lang ako. Paano ako magiging bitter eh noon pa man ay Eat Bulaga baby na ako. Baka sila nga itong ngayon lang nanood ng Eat Bulaga.

Tinuturuan lang namin silang maging disente – ‘yung puwede naman nilang suportahan ang idols nila based on their own merits – na wala nang sinisiraang iba, di ba? Pero hindi sila ganoon eh.

Sabi ko nga, sa buong buhay ko sa industry na ito, ngayon lang ako nakatunghay ng fans na walang kasing-bastos at baboy. And ginagamit nila ang social media sa mga kababuyan nila.

Very irresponsible indeed! Kaya tama na ‘yung nasabi ko ang gusto ko – deadma na lang sa mga ‘tadong ito. Mahirap makipag-away sa mga AlDub fans na ito – mga bastos sobra.

Wala kang panalo pag pinatulan mo sila. Walang mga utak kasi itong mga bashers na ito. Kaya sorry – you won’t get a piece of me, dahlins! They put words into your mouth.
Iba ang pag-intindi nila sa mga bagay-bagay. Pinakita lang nila ang pangit na kulay nila. Hindi ko nga alam kung mga Kristiyano ang mga hinayupak na ito.

Hindi ko alam kung may mga magulang ang mga walanghiyang ito. Kaloka sila sa kababuyan. Kakadiri ang maraming AlDub fanatics na ito. Wala na sa lugar. Eiw!!!!!



No comments: