Saturday, September 5, 2015

Sa wakas: Aldub nagkita na, pero hinarangan ni Lola Nidora




SA kauna-unahang pagkakataon ay nagkita na nang personal at malapitan sina Alden Richards at Yaya Dub o Maine Mendoza sa tunay na buhay. Nangyari ito sa pagpapatuloy ng kalyeserye ng Eat Bulaga kahapon.

Naglaban kahapon sina Alden at Yaya Dub para sa wildcard edition ng “Bulaga Pa More, Dabarkads Pa More”, parehong pasabog ang inihandang production number ng dalawa na talaga namang pinalakpakan nang todo ng milyun-milyon nilang fans.

Pero bago pa man nagsimula ang laban, pinuntahan muna ni Lola Nidora (Wally Bayola) si Alden sa studio at dito nga nangako ang binata na hindi sila magkikita ni Yaya Dub kahit na anong mangayari.

Pero pagkatapos ng kanilang showdown, agad na naghanapan sina Alden at Yaya Dub sa studio at matapos ang ilang sandali ay nagkita nga ang dalawa, tuwang-tuwa siyempre ang magka-loveteam, pero nang sila’y maglalapit na, bigla silang hinarangan ng dingding na kagagawan pala ni Lola Nidora.

Galit na galit ito dahil sa hindi pagtupad ng AlDub sa kanilang pangako na hindi muna nila ipagpilitan ang kanilang pagkikita. Sinira raw ng mga ito ang kanyang tiwala.
Habang nanggagalaiti sa galit ang matanda ay iyak naman nang iyak sina Alden at Yaya Dub, hinayang na hinayang sila sa pagkakataon. Ngunit ilang sandali lang ay biglang may kumidnap kay Yaya Dub na mga nakamaskarang lalaki. Hinabol ito nina Lol Nidora at ni Alden pero hindi na nila inabutan.


No comments: