Sunday, August 23, 2015

Vice namimigay na ng instant cash sa audience ng Showtime




DESPERATE move, desperate measure.
That seems to be the working scenario sa It’s Showtime. We were informed that may charity drama na ang noontime show. 

Si Vice Ganda raw ay lumalapit na sa audience para mamigay ng pera.
Kapag meron siyang nakita sa audience na interesting personality ay pinapakanta o pinasasayaw niya at kapag natuwa raw siya ay give siya ng P5,000.

Yes, may ganyan nang drama ang show ng Dos ngayon. Namimigay na sila ng instant cash. Generous na sila ngayon. Nagpapabango na sila ngayon dahil taob na taob na sila sa Eat Bulaga na nilalamon sila nang buong-buo in terms of ratings.

Actually, magandang simula ‘yan pero in the future ay dapat dalhin na nila sa kalsada ang charity ek ek nila. It would help them kung ang pinakasikat na loveteam ng station nila ay pupunta sa kalsada para mamigay ng tulong.

Get Daniel Padilla and Kathryn Bernardo, James Reid and Nadine Lustre and Liza Soberano and Enrique Gil to the streets ang make them help the poor, ewan ko lang kung hindi magkagulo at mag- kabuhol-buhol ang trapik.

We think na it’s the only way they could do para malabanan nang husto ang Eat Bulaga. Imagine, isang accidental loveteam lang ang nagpataob sa kanila, aba, nakakahiya ‘yon, ha.

Yan ang reason kaya nalaos ng todo ang It’s Showtime.

No comments: