Sunday, August 23, 2015

Nathaniel malapit nang bumalik sa langit




Speaking of Nathaniel, ang guguwapo pala ng mga anghel na susundo kay Nathaniel, imagine bossing Ervin, pinagsama-sama sina Enchong Dee, Rayver Cruz at Sam Milby na puwedeng gumanap na anghel talaga dahil mabubuti ang kanilang mga puso.

Hmmmmm, bakit ba hindi pagsamahin sa isang serye o pelikula ang tatlong aktor, sigurado naman kami na maraming fans ang tatlo na susuportahan ang projects nila.
Ilang tulog na lang at magtatapos na ang Nathaniel ni Marco Masa dahil matatapos na ang kanyang misyon – bumait na si AVL (Ms. Coney Reyes) na umamin na sa lahat ng kasalanan niya.

Sina Paul (Gerald Anderson), Martha (Isabelle Daza), Aaron (David Chua) at Gustavo (Baron Geisler) na lang ang patitinuin ni Nathaniel.

Tinatanong kami ng mga bagets na nag-aabang sa Nathaniel kung bakit kailangan na raw tapusin ang serye, sabi namin kasi sa kuwento, bumait na ang mga tao sa lupa kaya kailangan nang bumalik sa langit ni Nathaniel.

No comments: