Sunday, August 23, 2015

AlDub sikat na sikat din sa Canada, US, Saudi at Europe



Wala na, talagang nila- mon na ng tambalang AlDub ang buong mundo, dahil pati ang mga kaibigan namin sa Canada, Amerika, Saudi Arabia at Europa ay may lagnat na rin sa tambalan nina Yaya Dub at Alden Richards.

Nu’ng nakaraang Sabado, lalo na, ayaw kaming tantanan ng mga tawag at text dahil sa pinlanong pagpapakasal ni Yaya Dub kay Frankie Arenolli na si Lola Nidora ang utak.
“Matutuloy ba ang kasal? Kawawa naman si Alden. Tuloy, hano?” isa lang sa sangkatutak na tanong na tinanggap namin nu’ng Sabado nang tanghali.

Nakakaloka! Pakiramdam namin ay pansamantalang humihinto ang ikot ng mundo ng ating mga kababayan dahil sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

May mga tindahang nagsasarado muna, medyo lumuluwag din ang kalye sa ganu’ng oras, napakalaking biyaya ang dumating sa noontime show dahil sa AlDub.
Paano pa ngayon makaaabot man lang ng rating sa Eat Bulaga ang kanilang kasabayan sa ere kung ganyan na hanggang sa ibang bansa ay kalat na kalat na ang epidemya ng AlDub?

Ibang klase ang lakas ng Eat Bulaga ngayon, pagkatapos ng penomenal na pagsikat ni Ryzza Mae Dizon ay heto naman ngayon ang AlDub, nangwawasak ng mga kalaban at pinagpipistahan ng buong mundo.

Napakaraming nagbunyi dahil peke ang kasalan nu’ng Sabado, impostor ang pastor na nagkasal kina Yaya Dub at Frankie Arenolli (Jose Manalo), kaya naglulundagan sa sobrang kaligayahan ang mga tagahanga nina Yaya Dub at Alden Richards.
Ha! Ha! Ha! Ha!

No comments: