Saturday, August 15, 2015

Pagkikita nina Alden at YayaDub inaabangan ng buong mundo; bibida na rin sa TV Commercial



Hindi pa nagkikita sina Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) sa kanilang kalyeserye kaya naman inaabangan ang kanilang meeting.
Ang daming kinilig sa kanilang moments na muntik nang pagkikita, very positive ang tambalang ito, bata, matanda, girl, boy, bakla, tomboy ay wiling-wili sa kanila.
“I’m a 64-year old grandmother, pero talagang kinikilig ako sa dalawang ito. Nakakalimutan ko ang depresyon ko sa tuwing napapanood ko sila.
Sana, magtagal pa ang kalyeseryeng ito.” “For sure, magwawarla ang twitter at fb world pag nagkita na talaga si yaya at papa alden! 2M tweets na yan. baka bumaba pa sa 9% ang ratings ng kabila. Hehehe!”
“Juice Colored! Kilig To The max ako!!! kaloka yung AlDubYou at MaAldenKita.. lakas makakilig. ang Witty lang eh. ano na lang kung magkikita na talaga sila, siguro magwawala na talaga ang social media.”
“PUSTAHAN MAGKAKAROON SILA NG COMMERCIAL OH! HULAAN NLNG SA ANONG PRODUCT…THIS WILL BOMB ALL COMMERCIALS EVER MADE! OH KAYA NIYO YUN??? E DI WOW!!!!!” said he.
Why not? Sa kasikatan nila ngayon sigurado kaming marami nang interesado sa kanilang tandem para sa TV commercials.

No comments: