Saturday, August 15, 2015

Juday napaglilihian si Alden; adik na adik sa kalyeserye ng AlDub



Tila nag-eenjoy naman sa kanyang ikalawang pagbubuntis si Judy Ann Santos Agoncillo na self-confessed fan ng AlDub sa Eat Bulaga.
Tawa ito nang tawa sa kakaibang kalyeserye ng naturang number one noontime show at mukhang naging prospect pa nitong paglihian si Alden Richards na dumami ngang lalo ang followers simula nang sumikat ang tandem nila ni Yaya Dub.
At aaminin din namin na kahit kami ay talagang big fan ng dalawa. Ha-hahaha! Sa pagdami ng mga celebrities na nababaliw sa mga eksena nina Alden at Yaya Dub, dapat ngang magkaroon na sila ng mas malaking project sa TV at sawide screen di ba kapatid na Ervin? 


 

No comments: