Saturday, August 15, 2015

Jennylyn walang sinusunod na diet: Ang hashtag ko nga sa buhay lamon pa more!



KUNG may papalit man sa pwesto ni Marian Rivera bilang GMA Primetime Queen, walang duda na si Jennylyn Mercado ang siguradong iboboto ng mga Kapuso viewers dahil na rin sa dami ng proyekto ngayon ng tinanghal na 2015 Sexiest Woman.

In fairness, bukod sa bagong teleserye si Jen sa GMA, ang My Faithful Husband kasama si Dennis Trillo, tuluy-tuloy din ang pamamayagpag niya sa mundo ng pelikula.

Matapos ngang maging blockbuster hit last year ang MMFF entry na “English Only Please” , lumalagare ngayon sa dalawang pelikula si Jen.
Siya ang leading lady ni Sam Milby sa pelikulang “Pre Nup” na kinunan pa sa Amerika at nagsisimula na rin ang taping nila ni JM de Guzman para sa 2015 MMFF official entry na “Walang Forever”.

Isa rin si Jen sa mga magiging judge sa pagbabalik ng original reality talent search sa TV na StarStruck na malapit nang magsimula sa GMA 7.

Kaya nga agree kami sa mga nagsasabi na si Jennylyn na ang pwedeng pumalit sa trono ni Marian bilang reyna ng GMA.
Abot-langit naman ang pagpapasalamat ni Jennylyn sa GMA at sa mga movie producers na nagtitiwala sa kanya, “Lagi ko naman pinagdarasal na hindi ako mawalan ng work.

Importante sa atin ang trabaho, lalo na sa akin because I’m a single mom. “Si Alex Jazz, he just turned seven kaya mas dumadami ang mga kailangan niya.
Tapos may nabili akong bagong house at pina-renovate ko ng konti. Kaya noong dumating ang mga trabaho, tuwang-tuwa ako kasi dumating sila just in time.

Kaya thank you, Lord,” ayon naman sa isang panayam kay Jennylyn. Samantala, marami naman ang hindi makapaniwala na sa ganda ng katawan ngayon mg Kapuso actress ay wala pala siyang sinusunod na diet.

Kung idadaan nga raw sa hashtag ang buhay niya ngayon, gusto niyang ipa-trending ang #NoDiet at #LamonPaMore. Pagkain daw talaga ang happiness niya ngayon.
Ayon sa aktres nang makapanayam ng ilang reporter, “Hindi ako puwede sa diet kasi lagi akong napupuyat. Kailangan may lakas ako parati, kaya kain lang ako nang kain.
Paborito ko kaya ang kanin!” At alam n’yo ba na hindi rin mapili sa pagkain si Jen, lalo na kapag gutom siya, Hindi naman ako choosy sa pagkain.

Kahit ano ang ihain mo sa akin, kakainin ko. Kaya wala akong secret diet, normal lang ako kumain tulad ng marami,” aniya pa.
Sa lahat naman ng mga adik na adik na sa My Faithful Husband, narito ang kailangan n’yong abangan sa pagpapatuloy ng kuwento ngayong gabi: Sasabihin ni Melanie (Jennylyn) kay Dean (Mikael Daez) na happily married na siya.
Tatanungin ni Dean si Melanie kung mas masarap bang magmahal ang asawa nito kesa sa kanya.
Pagsasabihan ni Emman (Dennis) ang kapatid na si Dante (Aaron Yanga) na maghanap ng trabaho para maalagaan ang sarili nitong pamilya.


Susubukan namang hulihin ni Dean si Melanie kung may feelings pa ang babae para sa kanya. Mapapaisip si Melanie kung itutuloy ba niya ang pagpasok sa kumpanya ni Dean.
Itatanong ni Mylene (Louise delos Reyes) kay Melanie kung mahal pa ba nito si Dean – dahil kung hindi, unahin nito ang makabubuti sa pamilya niya, at sa mga anak niya.
Magugulat si Emman nang mabalitaan na lasing si Mercedes (Snooky Serna), at malalaman mula kay Carla (Jazz Ocampo) na nakita pala nito ang lalaking nag-rape sa kanya—ang ama ni Emman.

Habang inaalagaan naman ni Emman si Mercedes, masasabi ng huli na mahal niya si Emman – kahit pa bunga ito ng rape.
Malalaman ni Dean na hindi tinanggap ni Melanie ang trabaho sa kumpanya nila. Magpapalusot si Melanie kay Emman kung bakit hindi niya tinanggap ang trabaho – palusot na ikagagalit ni Mercedes lalo sa kanya.

Magugulat sina Emman at Melanie nang kausapin sila ng mga anak na takot malipat ng school at malayo sa mga kaibigan nila — lalo na nang malaman nilang si Mercedes ang nagsabi sa kanila nito.

Susugurin ni Melanie si Mercedes, pero bubungangaan siya agad ng biyenan at pagbibintangan na makasarili ito.

No comments: