Wednesday, November 26, 2014

Venus na-trauma sa lalaki kaya tibo na raw

Pagkatapoos ng matagumpay na unang season ng lifestyle  show na Business Flight ng CBC Entertaiment Productions, it soar high again para sa pangalawa nitong season.
Ang beauty queen na si Venus Raj at ang successful businesswoman na si Cristina Decena ang mga host ng show na magkakaroon ng bagong timeslot, 11:40 a.m. na siya tuwing Sabado starting on Nov. 29.
“This season mas interactive na siya, I mean, for example kasi before kapag lumalabas kami, we present the place, we prresent kung  ano ‘yung maganda sa lugar. But this time, we get to try kung ano ‘yung special sa lugar.
For example, surfing. We will try to surf,” kwento ni Venus.Sa second season ng Business Flight  mas maraming lugar sa Pinas at ibang bansa ang ipi-feature nila gaya ng Catanduanes, Batanes, Singapore, Japan at marami pang iba.
For the pilot episode sa kanilang second season, sasabak si Venus for the  first time sa surfing. Habang si Cristina naman ay ipagpapatuloy ang kanyang pagsa-shopping at ang kanyang culinary adventures sa bansang Mexico.
Thankful si Venus sa naging experience niya as beauty queen sa pagiging TV host niya ngayon. Na-train daw siya nang husto.  But of course, hindi pwedeng matanong si Venus tungkol sa kanyang lovelife, “I’m in love with the Lord.
Ganoon talaga,” ngiti niya. Itinanggi ni Venus na  may nanliligaw or boyfriend  siya na politician, “Sabi  nga, we have to wait for God’s time and  for God’s perfect person na ibibigay sa ‘yo.”
Hindi naman daw siya na-trauma sa lalaki because of her last boyfriend na si Andrei Felix, “Ano talaga, waiting for God’s best. Wala naman po ako’ng time frame. Basta alam ko na ‘yung tao na ‘yon ay binigay ni Lord,” sabi pa niya.
Natawa naman si Venus noong pagbintangan na baka nag-iba na siya ng sexual preference, “Tivoli na ako?! Ha-hahaha! Wala pong ganyan.”
Biniro namin siya na baka may ma-meet siya sa Japan. Nakatakda kasing pumunta sa Japan si Venus anytime now kasama si Cristina para sa Business Flight.

No comments: