Wednesday, November 26, 2014

Jose sa ‘Serial Killer’: Hoy, itigil n’yo yan! buhay na buhay pa ‘ko!!!

“BUHAY na buhay po ako!” Ito ang natatawang pahayag ni Jose Manalo matapos kumalat sa social media ang balitang namatay na siya matapos atakihin sa puso.
Ayon kay Jose, naloka nga raw siya nang may nagtawagan sa kanyang mga kamag-anak at kaibigan na nagtatanong tungkol sa pagkamatay niya.
Doon pa lang daw niya nalaman na may nagpakalat nga sa Facebook at Twitter ng nakakabwisit na balita. Naniwala lang ang iba na buhay pa si Jose nang mapanood na nila ito nang live sa Eat Bulaga at tawa pa nang tawa habang ginagawa ang segment na Juan For All, All For Juan.
Sey ni Jose, “Ang daming nagtatawagan na mga kamag-anak ko. Hindi po ako patay, buhay na buhay po ako!” Kasabay nito ang pabiro pa niyang nanawagan sa mga taong nasa likod ng death hoax.
“Itigil na ninyo ‘yan!” tawa pa nang tawang chika ni Jose. Dugtong pa niya, “Kasi yung mga ganyan, bumabalik sa kung sino ang may kagagawan.”

No comments: