Wednesday, November 26, 2014

Pacman sawang-sawa na sa pagsaway kay Mommy Dionisia

Tama naman ang marami nating mga kababayan na nagri-request na huwag nang sumama si Mommy Dionisia sa mga susunod na laban ng anak niyang si Manny Pacquiao kasi nga, lumalabas na ang pagiging overacting niya.
Hindi na magandang tingnan, nakakawalang respeto sa isang matanda nang katulad niya. Napanood ko ang isang video kung saan kitang-kita ang paghulagpos ni Mommy Dionisia from her seat at biglang lumuhod at nagdasal na alam mo namang parang pakitang-tao lang.
Meron pa siyang eksenang ginawa in her Filipiniana gown, yung may hawak siyang rosaryo na parang pini-pray over o binabasbasan ang kaniyang anak sa ring.
We never questioned Mommy D’s love and support for her son,- nakita naman natin kung gaano talaga siya halos makipagpatayan for Manny.
Pero OA na OA ang asta niya, parang ginawa na niyang katatawanan ang sarili niya. In short, the height of ka-cheapan na talaga. Hey, please don’t get us wrong – walang masamang maging mabuting ina sa mga anak natin pero sana ay huwag naman nating ilagay sa kahihiyan ang ating mga anak.
Behave accordingly. Nagmukha lang kasi siyang jester sa asta niya. Iyan ang na-notice namin. Kaloka! Kasama pa naman niya ang young lover niyang si Michael Yamson – how can this man take an old woman na kumikilos nang hindi tama in public? Is it real love that he feels for her? Unless this man’s mind is also demented.
Hindi kaya pinagsasabihan ni Pacman ang nanay niya? Dapat siya talaga ang sumaway kay Mommy D dahil siya ang napapahiya sa mga tao.
O, baka naman napagod na siya sa kakadakdak sa kanyang ina kaya dedma na lang din siya sa mga pinaggagagawa nitong kahihiyan? Hay, naku.

No comments: