Tuesday, November 3, 2015

Jennylyn, Echo handang-handa nang lumaban sa MMFF 2015




Nagbabalik si Jennylyn Mercado ngayong Dis. 25 upang palaganaping muli ang pagmamahalan at kasiyahan sa MMFF entry ng Quantum Films, ang “Walang Forever!”
Si Jen ang binansagang MMFF Darling/Favorite last year dahil sa sorpresang blockbuster romantic-comedy film na “English Only, Please” opposite Derek Ramsay. 

Tinanghal din ang Kapuso actress bilang Best Actress ng MMFF dahil sa mahusay niyang performance sa pelikulang dinirek ni Dan Villegas na nanalo ring Best Director ng festival.

Nasa winning streak ngayon si Jen dahil ang huling romantic-comedy niyang “The PreNup” kasama si Sam Milby ay tagumpay rin sa takilya. Kaya naman hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang Quantum Films, MJM Productions, Tuko Film Productions at Buchi Boy Films na si Jennylyn ang maging bidang babae sa MMFF entry nilang “Walang Forever!” bilang tugon sa clamor ng publiko na muli siyang mapanood sa Pasko.

This time, kakaibang kuwento ng pag-iibigan ang ihahatid niya na punumpuno pa rin ng nakakakiliti at nakakikilig na mga eksena. Dito, ang premyadong aktor na si Jericho Rosales ang makakaromansa ng aktres at makakabatuhan ng nakaaaliw na punchlines na tiyak na tatatak sa manonood.

Sa movie, isang accomplished romantic-comedy writer si Jen habang si Echo naman ay isang sikat na application at software developer na based sa ibang bansa. Galit-bati ang drama nila lalo na’t magkalayo ang mundo nila sa umpisa.
Subalit sa ending, mauuwi rin ito sa love. Sabi ng isa sa mga producer ng movie na si Atty. Joji Alonso, “The message of the film is walang forever. Forever is how you live each day. When you share it with somebody, it will always be there forever! It’s like the stories in the movies.

It will be there forever.”  Gaganap na nanay ni Jen sa movie ang multi-awarded actress na si Lorna Tolentino na ipinagpalit ng asawa sa mas bata. Riot daw ang mga scene dito ni LT lalo na ‘yung kinunan sa gym!

Makakasama rin dito sina Jerald Napoles, Nico Antonio, Pepe Herrera, Kim Molina, Cai Cortez at marami pang iba. Sa totoo lang, sa labas ng unang teaser ng Jen-Echo entry sa social media, umani agad ito ng mahigit 3



No comments: