Tuesday, November 3, 2015

Aries ...hindi matanggap na kasal na si Mahal



Panay ang padala ng PM (personal message) sa amin ni 

Thyrone Belleza Navarro (Aries) tungkol sa mga hinaing 

niya sa katatapos lang na pagpapakasal na ex-girlfriend 

niyang si Mahal (Tesorero) kay Jobbie Palmones Hebrio.

Ayon kay Aries, siya raw ang unang niloko ni Mahal bago pa

 siya nakipag-engage sa bagong kasintahan.

“Makikita naman po sa post nila na nu’ng June pa lang ay 

magkakilala na yung guy at si Mahal. Alam naman niya na 

jowa ko si Mahal, bakit kailangang agawin sa akin? Pero 

that’s life. The story is over between Mahal and me,” 

sintemyento ng ex-BF ni Mahal.



Sa interview ng Rated K sina Mahal at Aries, kapwa 

masaya 

pa ang dalawa noon.

“Kung alam ko lang na may BF na si Mahal noon hindi na

sana ako nagpainterbyu sa Rated K dahil alam kong 

sa akin,” pahayaa ni Aries

May mensahe naman ang dating kasintahan kay Mahal. 

“Congratulations and happy wedding Mahal. Masakit man 

pero gusto ko ring maging maligaya ka at wala na akong 

magagawa.”

Ginanap ang civil wedding nina Mahal at Jobbie noong 

November 2 sa Quezon City. Mahal is already 40 years old 

at ang napangasawa niya ay 25 years old lamang na 

nagtatrabaho bilang waiter sa isang bar.

“Sana ay mahalin ni si Mahal at alagaan na katulad ng 

ginawa ko at ng pamilya ko sa kanya,” sabi pa nito.

Samantala, hindi naman matanggap ni Aries na binastos 

siya diuumano ng bagong lalaki ni Mahal.

“Nasaktan ako dahil hinayaan ni Mahal na bastusin ako ng 

BF niya at hindi niya naisip na meron din kaming 

pinasamahal ng halos tatlong taon.

“Oo, hiniwalayan ko si Mahal at humanap na rin ako ng iba

 dahil may kulang sa kanya, pero minahal ko siya bilang 

parte ng pamilya ko. Sana ay maging maligaya siya,” diin 

pa 

ni Aries na nagtatrabaho ngayon sa Saudi Arabia.

No comments: