Thursday, September 24, 2015

James Reid, Nadine Lustre imposibleng maging magdyowa sa tunay na buhay





Talagang pinanonood daw nina James Reid at Nadine Lustre ang mga kissing scene nila sa Primetime Bida series ng ABS-CBN na On The Wings Of Love.

Chika ni James, “We watch it. You don’t want each kiss to look the same so we watch it.” Dalawang beses nang naghalikan ang dalawa sa nasabing serye at talagang naging top trending topic ito sa Twitter at iba pang social media.

Pero mariing sinabi ni James na sa ngayon ay imposibleng maging sila ni Nadine sa tunay na buhay, “In real life, me and Nadine are really just friends. We are friends, we get closer every day but we are still just friends.”

In fairness, nagpapakatotoo lang naman si James, hindi tulad ng ibang young celebrities diyan na nuknukan ng sinu-ngaling.

No comments: