Thursday, September 24, 2015

American singer Bryan White abot-langit ang pasalamat sa AlDub





ABOT-LANGIT ang pasasalamat ng American singer na si Bryan White kina Alden Richards at Maine Mendoza dahil muling sumikat ang kanta niyang “God Gave Me You” na isa sa mga original theme song ng kalyeserye ng Eat Bulaga.

Maituturing na ang “God Gave Me You” ang pinakasikat na Dubsmash song sa kalyeserye ng Eat Bulaga at sa pamamagitan nga ng Twitter ay i-pinaabot ni Bryan ang kanyang taos-pusong pasasalamat kina Alden at Yaya Dub.

“I want 2 personally thank @mainedcm @aldenrichards02 for allowing #GGMY to be a part of #ALDUB. I’m humbled and honored. #ALDUBNextChapter — (@bryan_white)!” ang tweet ng international singer.

Nang mabasa nina Yaya Dub at Alden ang mensahe ni Bryan, agad din silang nagpasalamat dahil sa pagbibigay importansiya sa kanila ng American singer. Sa Twitter din idinaan ng AlDub ang kanilang thank you message. Ani Maine, “Pleasure is ours! More power to you, Bryan! Hope to see you perform live soon!”

“Sey naman ni Alden, “@bryan_white we thank you for the beautiful song sir, it inspires a lot of people to be better and align themselves to God. See you soon po.”
Agad namang ni-retweet ni Bryan ang mga mensahe nina Yaya Dub at Alden, kasabay ng pagsagot nito sa tweet ni Alden, aniya, “Thanks brother. I’m honored. Grateful u and so many have made it such a part of their lives. Yes see u soon! #GGMY.”

Kamakailan, kinumpirma ni Bryan na pinaplano na rin ang pagbisita niya sa Pilipinas para sa isang espesyal na concert. At siyempre, tuwang-tuwa naman ang AlDub fans at nag-request pa nga ang mga ito na imbitahan sina Alden at Maine para haranahin ang dalawa nang personal.

Ayon pa kay Bryan, inaayos na ng kanyang management team ang pagpunta niya sa Pilipinas upang pagbigyan ang requests ng mga nagtu-tweet sa kanya. Nag-post pa nga si Bryan ng litrato sa Twitter na naka-pabebe wave at may hawak na fan sign na may nakasulat na: “#GGMY #ALDUBYOUALL” Coming to see you soon. Thank you for so much support. So grateful that God Gave Me YOU! #GGMY #ALDUBNextChapter.”

No comments: