Sunday, September 27, 2015

KC anak..balikan mo man si Piolo, wala akong paki





APRUB kay Gabby Concepcion ang pagkakabati ng kanyang panganay na anak na si KC Concepcion sa na- kagalitang ex-boyfriend na si Piolo Pascual. Hindi pa raw sila nagkikita at nagkakausap nang personal ni KC after her London trip.

“Maganda nga magkaayos lahat ng nagkakaroon ng konting alitan ‘di ba? Para masaya ang mundo,” nakangiting sabi ni Gabby sa presscon ng latest film niya na “Felix Manalo.”

Last time raw na nagkita sila ni KC ay noong nagkasakit ng degue ang kanyang eldest daughter. Bago siya pumunta ng London. Pinuntahan ko pa siya sa ospital because nag-worry ako. Kasi ang dengue hindi biro ang dengue, very dangerous.”

May nagkuwento naman kay Gabby ng tungkol sa nangyaring pag-uusap nina KC at Piolo sa London pero hindi niya kino-confirm sa anak. “Oo, ako okey lang ako kung may naririnig ako na ganoon.
Hangga’t hindi niya ako tinatawagan, ibig sabihin hindi pa niya kailangan ang tulong ko,” say pa ni Gabby. Wala naman siyang pakialam kung makipagbalikan ang kanyang anak kay Piolo, “Wala namang problema basta ang importante sa akin minamahal ang anak ko, nagmamahalan silang dalawa ‘di ba?

Kahit sino, basta’t mahal ng anak ko ‘yung makakasama niya. Hindi naman ako ang magiging kasama niya, e.” Hindi raw tututol si Gabby na magkabalikan ang dalawa kahit minsan nang sinaktan ni Piolo si KC, “We all deserve a second chance, ‘di ba? We all deserve many chances if you feel that the person is your Prince Charming or princess, prinsipe, nasa sa ‘yo ‘yun.”

Tiniyak naman ni Gabby na a-attend siya sa grandyosong premiere night ng “Felix Manalo” sa Philippine Arena on Oct. 4. At gustuhin man daw niya na isama si KC sa premiere night, malabo na, dahil nasa ibang bansa ang kanyang panganay.

Para kay Gabby, mag-iiwan ng legasiya ang pelikula nila tungkol sa buhay ng founder ng Iglesia Ni Cristo na si Felix Manalo. Habang ginagawa pa lang daw niya ang pelikula, marami raw siyang nadiskubre tungkol sa INC.
“Lahat naman tayo kasi may pinagbabasehan sa relihiyon. E, eto kasi nakikita ko noong bata ako sabi ko, wala akong nalalaman na relihiyon-relihiyon other than ‘yung being a Catholic.

Nakita ko ngayon ang iba’t ibang klase ng relihiyon and Iglesia Ni Cristo napakaraming followers coz’ iisa lang naman din ang pinaniniwalaan. ‘Yun din ang pinaniniwalaan natin, ang Bibliya,” ani Gabby.

Marami rin siyang natuklasan na mga ugali ng member ng INC, “Magalang sila, mababait sila. Sumasamba sila, malakas ang paniniwala nila sa pinag-aaralan nilang Bibliya, solid sila,” pagiisa-isa niya.

Ipalalabas na sa Oct. 7 ang “Felix Manalo” na gagampanan ni Dennis Trillo at idinirek ni Joel Lamangan mula sa Viva Films.

No comments: