Saturday, August 22, 2015

Yaya Dub sa biglang pagsikat sa Eat Bulaga: Napakabilis, hindi pa rin ako makapaniwala!




HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Maine Mendoza o mas kilala bilang si Yaya Dub, na sikat na sikat na siya hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t ibang panig ng mundo.

Inamin ng tinaguriang Dubsmash Queen na napakabilis ng mga pangyayari sa kanyang career, hindi raw niya akalain na magiging ganito katindi ang pagtanggap sa kanya ng madlang pipol.

Nabasa namin ang tweet ni Maine kamakailan kung saan todo-todo ang pagpapasalamat niya sa lahat ng mga sumusuporta sa AlDub, ang sikat na sikat na ngayong tambalan nila ni Alden Richards.

Aniya, napakalaki ng utang na loob niya sa Kapuso matinee idol at sa buong tropa ng Eat Bulaga.
“It’s amazing how fast things change.

Speechless ako sa pagtanggap sakin ng mga tao; hindi pa din ako makapaniwala. Maraming salamat po,” ang sabi ni Yaya Dub.
Medyo malungkot lang daw ang dalaga dahil nabawasan daw ang oras niya para sa kanyang pamilya at mga kaibigan. Sa katunayan, nagtatampo na raw kay Maine ang kanyang kapatid dahil hindi na sila madalas magkita at magkausap.
Pero sabi ng ka-loveteam ni Alden, naiintindihan naman ng pamilya niya ang kanyang estado ngayon dahil nga matagal na niyang pinangarap ang makapasok sa showbiz at makapagpasaya ng mga tao.

Sa Twitter din idinaan ni Maine ang kanyang mensahe para kay Alden na kahit hindi pa nga sila nagkikita nang personal ay parang close na close na sila dahil nga sa pagmamahal ng kanilang mga tagasuporta.

Narito ang palitan ng message nina Yaya Dub at Alden sa Twitter: Sey ni Maine, “What’s meant to be will ALWAYS find its way. Naniniwala pa din ako sa forever nating dalawa, Alden.

#ALDUBKeepTheFaith.” Sagot naman ng Kapuso leading man: “I’ll find a way, I won’t give up. #ALDUBKeepTheFaith.”
As expected naging top trending topic na naman ngayng araw sa Twitter (worldwide) at iba pang social media ang #ALDUBAgainstALLODDS para sa phenomenal kalyeserye ng Eat Bulaga.

In fairness, ang daming naiyak sa mga eksena ni Alden, dramang-drama nga naman kasi ang aktor habang ikinakasal si Yaya Dub.

Hindi kasi siya nakalabas ng Broadway dahil hinarangan siya ng mga tauhan ni Lola Nidora (Wally Bayola) Pero hindi nga natuloy ang kasalan matapos sugurin ng mga pulis ang wedding venue – impostor pala ang pastor na nagkasal kina Yaya Dub at Frankie.

At dito na nga inamin ni Lola Nidora na pakana lang niya ang lahat: peke ang taning ng buhay niya at peke ang kanyang mga doktor.

Gusto lang niyang makuha ang pera kay Frankie para mabawi  ang ninakaw sa kanyang diary.

Siyempre, tuwang-tuwa ang AlDub fans lalo na nang mag-kiss uli ang dalawa sa split shot ng nasabing kalyeserye.
Pero napansin lang namin – hindi na Yaya Dub ang isinulat ni Alden sa kanyang white board kahapon kundi ang tunay na pangalan na nitong Maine.

May ibang ibig sabihin nga kaya ito? Ha-hahaha! Mukhang may bahid nga ng katotohanan ang mga balitang totoong nai-in love na si Alden kay Yaya Dub, ha!

No comments: