Saturday, August 22, 2015

Alden umamin: In Love na kay Yaya Dub



ALDEN Richards had his Twitter followers guessing if he meant what he posted recently on his account: 

“I think I’m falling for MM.”

That was his controversial post noong isang madaling-araw. Obviously, he was referring to Maine Mendoza, more po- pularly known as Yaya Dub, the other half of the AlDub loveteam.

As claimed by a report, kaagad daw na binura ang naturang post. It just lasted 17 seconds sa Twitter account ni Alden. Marami tuloy ang naloka sa tweet na ‘yon ni Alden.

Many were thinking that it was not he who posted it kasi bakit naman niya iyon buburahin kaagad. Of course, marami ang kinilig sa kanyang post na iyon.

Marami ang nagtatanong kung na-hack ba ang Twitter account ni Alden. Parang hindi naman. We checked on his account and it’s pretty normal naman.

Anyway, baka naman si Alden nga ang nag-tweet na ‘yon pero kaagad niyang binura dahil baka maakusahan siyang nanggagamit.

He’s aware that his loveteam with Maine is the biggest thing now on television and he wouldn’t want to confuse people with his feeling. After all, pang-TV pa lang ang kanilang tambalan at hindi pang personalan.

Nakakaloka pala talaga ang kasikatan ng AlDub. They have fans all over the world. Merong Aldub clubs from all over the Philippines, talagang chapter by chapter sila.

May nakita kaming AlDub Nation Tarlac at Aldub Nation Calabarzon. That shows na hindi fluke ang kanilang kasikatan, na pangmatagalan ang kanilang popularity.

No comments: