Monday, August 24, 2015

Talent fee ni Dennis sa ‘Felix Manalo’ sobrang laki



Inamin naman ni Dennis Trillo na ang talent fee niya sa “Felix Manalo” ang masasabing highest TF na natanggap niya sa isang movie project.

 Kaya nga raw talagang pinaghandaan niya ang role niya rito bilang Sugo ng Iglesia ni Cristo.

“Sa preparasyon, marami po kaming pinagdaanan. Nag-immersion po kami, kinausap po kami ng mga ministro, ni-lecture-an po, backgrounder, binigyan po kami ng mga babasahin and siyempre po, pinag-aralan namin ‘yung script,” sabi ng aktor.

Dagdag niya, “Maaga pa lang, noong nalaman ko po na ako po ang gaganap, nag-research na ako sa YouTube. Tinignan ko kung may mga videos ba para makita ko ’yung hitsura niya, kung paano siya nagsasalita, ’yung pamamaraan ng tono ng pananalita niya.” Isa raw sa matindin challenge ng role ay ang mahahabang dialogues.

No comments: