Monday, August 24, 2015

Coleen Garcia bininyagan ni Derek sa kama

AMINADO si papa Derek Ramsay na ang muling pagtapak niya sa ABS-CBN noong Sabado ng gabi ang isa sa pinaka-nakakanerbyos na ginawa niya sa kanyang career sa showbiz.

“I’m just nervous. Iba ang pressure,” ang natatawang sey nito nang makaharap muli ang mga kapamilya sa isang presscon para sa pelikulang “Ex With Benefits” opposite Coleen Garcia and directed by Gino Santos.

Napaka-warm naman ang pag-welcome sa dating Kapamilya artist ng mga taga-Star Cinema na co-producer ng Viva Entertainment para sa nasabing movie.

Muli, napatunayan na wala talagang permanenteng kagalit sa showbiz dahil ang bonggang interes na makapagbigay ng magandang panoorin at mai-launch ng wagas si Coleen Garcia bilang bagong pantasya ng bayan ang mas nanaig.
Basta sinabi ni papa D na wagas din ang kanyang kaligayahan at kasiyahan na mu- ling makapagtrabaho at makatuntong sa bakuran kung saan naman talaga siya naging big star.

Isang doktor na muling na-involve sa kanyang ex-GF ang role ni papa Derek at sa maiinit na eksenang nakita namin between him and Coleen, parang tama ang payo niya sa batang aktres na kung ipapapanood nito ang movie sa dyowa niyang si Billy Crawford ay huwag niya itong itabi sa kanya dahil baka raw pagbalingan siya dahil sa matinding selos. Ha-hahahaha!

No comments: