Wednesday, July 1, 2015

Pelikula ni Nora sa MMFF napulitika raw


Pelikula ni Nora sa MMFF napulitika raw

MANILA, Philippines – Napadaan kami sa shooting ng Kabisera movie ni Superstar Nora Aunor sa isang old Spanish style house sa Bustos, Bulacan, pero hindi kami nakalapit sa rami ng tagahangang nanonood.
Nakatutuwang malaman na hindi ito indie film kundi isang main stream movie. Takilya ang target ng producer at hindi award.
May nagsasabing kaya hindi nakapasok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015 ang movie ni Guy ay dahil napupulitika ito. Kung tutuusin, worth makapasok ang movie ni Guy dahil may sense at quality ito, unlike ng puro kabaklaan. Umaasa ang mga Noranian na makakasali rin ang movie nila sa darating na festival.
May mga komento rin na dapat daw ay taga-showbiz ang mag-manage ng MMFF dahil mas may kinalaman ang mga ito sa takbo ng industriya. Kaysa mga mayor ng iba’t ibang lugar na wala namang alam sa show business. Matagal na nilang hawak ito, sana taga-showbiz naman ang sumunod na humawak ng MMFF.
Pag-alis ni MMDA Chair Francis Tolentino, sino naman kaya ang papalit?

No comments: