Wednesday, July 1, 2015

Babala ni Martin sa Netizens: Wag ninyong idadamay ang pamilya ko!


Inamin din ni Martin del Rosario sa amin na never talaga niyang naisip na magtanong, lalo na ang mag-demand sa GMA 7 kung ano ba talaga ang plano ng network sa career niya.
“Kasi po lagi kong pinaniniwalaan ang initial talks namin at alam ko naman pong hindi rin nila ako kukunin kung wala silang gagawin sa aking career,” simpleng paliwanag ng URIAN Best Supporting Actor this 2015.
Sa gagawing project ni Martin na Buena Familia, sinabi nitong may bago siyang baon na inspirasyon at sana raw ay mai-share niya ito nang maayos. “Hardworking po kasi talaga ako at kung ano yung ibinibigay sa akin, as much as possible ay magawa ko nang maayos.
Kung may recognition mang dumating gaya nitong sa URIAN, super big bonus na though ibang klase pa rin yung feeling,” dagdag nito.
Ayaw ipasok ni Martin sa isip niya na magaling siyang aktor dahil mas gusto niyang ma-recognize bilang mahusay na katrabaho.
In fact, kahit ang mga intriga sa kanya lalo na yung paulit-ulit na gender issue at diumano’y pagpose niya ng nude sa mga photos at iba pa ay nagagawa na lang niyang palampasin dahil aniya, “Wala naman po talagang magagawang positibo kung papatulan pa dahil wala namang katotohanan.”
Pero kapag nadamay na ang pamilya niya, “Ibang usapan na po yun. Baka du’n na ako mag-react.”


No comments: