Sunday, December 6, 2015

Vice sinorpresa ng dyowa: Kinilig ako…ang sweet-sweet mo!




Kilig na kilig si Vice Ganda nang makatanggap ng sorpresa mula sa kanyang mystery guy pagkatapos ng It’s Showtime noong Sabado.

Sa kanyang Instagram, ipinost ni Vice ang kanyang picture hawak ang isang bungkos ng bulaklak na padala ng kanyang dyowa. “Eeeeeeeeeee!!!! Ang sweet sweet mo! Kinilig kaya ako! Syangapala yung sukli san mo nilagay!??” caption ng TV host-comedian pero hindi pa rin niya inilagay kung sino ang nagpadala.

In fairness, naninindigan si Vice sa pangako niyang hinding-hindi ibabandera ang identity ng kanyang non-showbiz boyfriend para mailayo ito sa kontrobersiya o intriga. “Hindi ko puwede sabihin kung sino ang boyfriend ko.

Tinanong niya ako kung bakit? Sabi niya, ‘kinakahiya mo ba ako?’ May kanya kanyang rason ang mga tao. Ang sabi ko naman sa kanya, ‘Hindi kita pinapakilala kasi gusto kitang protektahan dahil pag nakilala ka nila, huhusgahan ka nilang lahat,” ang natatandaan naming sabi ni Vice sa isang panayam.

Dugtong pa nito, “Bakit ko gugustuhin husgahan ninyo ang taong napakahalaga sa buhay ko. Kaya hindi ko ipapakilala sa inyo, magkamatayan na, hindi ninyo malalaman kung sino ang jowa ko.

“Nagkaunawan naman kami. Hindi na mahalaga kung malaman ng ibang tao o hindi. Ang mahalaga na alam natin sa isa’t isa na tayo ang gusto nating dalawa,” chika pa ni Vice.



No comments: