Sunday, December 6, 2015

Maja takot na takot sa AlDub nation, Alden nag-sorry




BALITANG-BALITA ang nangyaring pandemonium sa awards night ng Star Awards for TV kamakailan nang dahil kay Alden Richards.

Pansamantala nga raw na itinigil ang programa dahil sa mga nagkagulong fans na gustong makalapit at makita si Alden na noo’y pi-naupo sa tabi nina Enrique Gil at Liza Soberano, mga kapwa nila awardees ni Maine Mendoza (absent sa gabi ng parangal).

Kahit daw sina Liza at Enrique ay gulat na gulat sa lakas ng hatak ni Alden na masayang nakipagtsikahan din sa kanila. Kinailangan pa nga raw na papuntahin sa backstage si Alden at pagpahingahin sa isa sa mga dressing rooms para lang maituloy ang awards night.

At nang muli nga itong palabasin ay pinaupo na ito sa tabi ni Maja Salvador na nanalong Best Drama Actress para sa Bridges Of Love ng ABS-CBN (si Alden ang nagwaging Best Drama Actor para sa Ilustrado ng GMA) at nakakatawa pa raw ang mga eksena nitong nakikipag-usap kay Maja nang hindi man lang nagtinginan.

Takot daw kasi si Maja na ma-bash o makuyog ng fans ng AlDub at paratangan ng kung anu-ano.

Balita pang humingi ng sorry si Alden kay Maja dahil sa nasabing sitwasyon.




1 comment:

Rhosze said...

sa sobrang dami ng supporters lahat nalang ata natatakot mabash ng
mga supports ng aldub.


buhay kalye ph