Tuesday, November 10, 2015

P20M Valentine concert nina AlDub ikinakasa na




ALAM  n’yo ba na may alok sa AlDub love team na gumawa ng Valentine concert na nagkakahalaga lang naman ng P20 milyon?

Inialok ang nasabing concert kina Alden Richards at Maine Mendoza ni Joed Serrano, dating aktor at kasalukuyang concert producer, na ang huling project na ginawa ay ang concert ng five-member American a capella group na Pentatonix.

Ang concert ng grupo para sa dalawang gabi, isa sa Smart Araneta Coliseum at ang isa ay sa Waterfront Cebu City Hotel, ay may P18 milyon grossed ticket sales, na ginastusan ni Serrano ng P9 milyon.

Ngayon ang offer niya ay para sa AlDub ang itinuturing na pinakamalaking offer sa TV love team na kilalang-kilala ngayon sa loob at labas ng bansa, at tumatabo ng kabi-kabilang endorsement deals.

Initially, ang offer na magperform para sa Valentine concert ay para lang kay Alden, na nabanggit ni Serrano sa nakalipas na press conference para sa kanyang talent na si Gabrielle “Garrie”  Concepcion, anak ng aktor na si Gabby Concepcion kay Grace Ibuna.

Sinasabi na P10 milyon daw ang offer nito kay Alden, ngunit hindi nagtagal in-extend na rin ang offer kay Maine na nagkakahalaga rin ng P10 milyon.

Gagawin ang concert para sa dalawang gabi sa Feb. 13 at 14, 2016 sa Smart Araneta Coliseum.

Bagamat hindi pa aprubado, tiyak na matinding preparasyon ang gugugulin para kina Alden at Maine na parehong hindi pa nakapagpe-perform sa isang “full show”, na merong live band para sa kanilang musical number.

Pangalawa, kailangan pa rin umanong matiyaka na kaya ngang kumanta ni Maine ng live.



No comments: