Friday, November 6, 2015

AlDub nominado sa PUSH Awards ng ABS-CBN Payagan kayang dumalo ng GMA at Eat Bulaga sa awards night?




Glad to know na nominated naman pala sina Alden Richards and Maine Mendoza sa forthcoming PUSH Awards. In fairness sa ABS-CBN, the one managing the online website, isinantabi nila ang network war dahil ilang Kapuso stars ang pasok sa listahan ng nominess.

Pasok din ang AlDub sa individual categories ng nasabing award-giving body. Since last Nov. 3 pa tapos ang botohan, it would be interesting to know kung sinuportahan ng AlDub Nation ang idols nila? The question is, maipanalo kaya nila ang manok nila o hanggang pamba-bash lang ang alam nilang ga-win?

We heard that AlDub fans were reluctant to vote kasi nga naman ay kalabang network ng GMA ang may pakana ng awards. But knowing AlDub Nation na tipong hindi paaawat sa pagsuporta sa kanilang idolo, hindi naman siguro nila pababayaan ang kanilang idols, ‘no.

Invited din pala sina Maine at Alden sa awards night sa Nov.10. The question is, dumalo kaya sila? Kapag hindi, either it was because they have a very busy sked o hindi sila pinadalo ng GMA. Which is which?



No comments: