Thursday, November 5, 2015

Mahal inakusahang two-timer ng ex-dyowa





MALIGAYA kami para kay Mahal. Mula kasi sa pagpapalit-palit ng boyfriend, ngayon ay may nagpakatotoo na sa kanya, misis na ngayon ang kontrobersiyal na si Mahal.
Pero may isang lalaking naghahabol, ayon sa isang kababayan nating OFW na karelasyon pala ni Mahal ay nakatakda na rin silang magpakasal, naghihintay na lang sila ng tamang panahon.
Pero dahil sa kapo-post ni Mahal tungkol sa mga naganap nang magpakasal na sila ni Jobbie nu’ng November 2 ay nagbigay ng reaksiyon ang lalaki.
Matagal na raw nitong nararamdaman na may ibang mahal si Mahal, niloloko raw niya ang lalaki, napatunayan nito ang kanyang kutob dahil nagpakasal na nga sa iba si Mahal.
O, di ba naman? Kakapiranggot na nga lang si Mahal, pero may ganu’n pa palang nangyayari, two timer pala ang bulilit na babaeng ito?
Marami kaming naaalala tungkol kay Mahal na madalas naming nakakasama nu’n. Kapag may bagong nagbibigay sa kanya ng atensiyon ay agad-agad na niyang ibabalita na may bago siyang boyfriend.
Alam man ‘yun o hindi ng lalaki ay ipamamalita na niya agad, ganu’n siya kainlab sa love, talagang umiikot ang kanyang mundo sa pakikipagrelasyon.
Sana nga’y maging maaliwalas ang kanilang mundo ni Jobbie, walang pinipili ang pag-ibig, lahat tayo’y may karapatang maging maligaya.
Mahalin sana si Mahal ng kanyang mahal.



No comments: