Thursday, November 5, 2015

Bea Binene ayaw nang makipag-away sa fans ng AlDub




TAMA naman ang debutante na si Bea Binene.
Minsan (hindi nga lang minsan kundi lagi dapat) ay kailangan nating isipin na may mga kaibigan din naman ang ibang tao. Sa nangyaring pamba-bash ng ilang AlDub fans sa birthday celebrator kung saan sorpresa ngang dumating si Alden Richards, pinilit na lang daw intindihin ni Bea ang lahat.

Maraming masasakit na salitang ipinukol ang mga supporter nina Alden at Maine Mendoza kay Bea na para bang “exclusive” lang sa kung kanino nila gustong ipareha ang guwapong aktor, na nagsilbi ngang
“last dance” ni Bea sa kanyang debut party last Nov. 3, sa Manila Hotel. May mga nanghusga pang nakikisakay lang ito sa popularity ng binata dahil hindi na siya sing-init tulad noong mga bata sila.

Noon pa man ay kilala na naming “mature” sa kanyang edad si Bea Binene kaya’t madali rin niyang naunawaan ang lahat. Ang mahalaga nga naman ay yung special friendship nila ni Alden na hindi naman nakalimot sa mahalagang araw niya.
“I’m very happy for my friend. Hanga rin ako sa AlDub Nation, sa fandom nila ni Yaya Dub. I’m a fan myself.

Pero gaya nga po nang nasabi ko, outside everything naman po at kahit sa mga personal naming buhay, may mga tao tayong pinahahalagahan as a friend or confidante, ganu’n. Sana po ay chill-chill lang,” dagdag pa ng dalaga.

At dahil 18 years old na ang Kapuso actress, inaasahan na rin daw niyang magle-level-up ang takbo ng kanyang karir.



No comments: