Thursday, November 12, 2015

James, Nadine muling napalaban sa laplapan,



Grabe bossing Ervin, nagulat kami sa mga kapitbahay namin noong Martes ng gabi dahil sabay-sabay silang nagsisigawan. At alam mo kung bakit? Muli palang naghalikan sina Leah (Nadine Lustre) at Clark (James Reid) sa On The Wings Of Love.

Oo nga, paanong hindi ka mapapasigaw, e, ang mas matagal ngayon ang kissing scene ng JaDine, at hindi lang ‘yun, bumubuka na ang kanilang mga bibig ngayon, huh!
Sabi nga ng mga nakausap namin ay sina James at Nadine lang ang young loveteam na gumawa ng ganu’n sa telebisyon at wala talaga silang hiya-hiya.

Tama naman dahil kahit nga sina Richard Yap at Jodi Sta. Maria ay hindi naghalikan ng ganu’n considering na mas may edad na sila kumpara sa JaDine.

Hindi pa rin ito nagawa nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Kaya hangang-hanga ang lahat kina James at Nadine dahil talagang all out sila para sa ikagaganda ng OTWOL.

Balita namin, plano na uling bigyan ng bagong pelikula ang JaDine pero hindi matuluy-tuloy dahil sa OTWOL.



No comments: