Thursday, November 19, 2015

Ai Ai: Hindi ko papalitan si Jose sa KalyeSerye!



HALU-HALO ang reaction ng televiewers at ng AlDub nation sa pagpasok ng nag-iisang Comedy Queen Ai Ai delas Alas sa Kalyeserye ng Eat Bulaga bilang si Doña Babah na mayamang lola ni Alden Richards from Russia.

Nasa ikalawang linggo ngayon si Ai Ai sa Kalyeserye at marami ang nagsasabi na baka si Ai Ai na ang ipinalit kay Jose Manalo na gumaganap naman bilang si Lola Tinidora. 
Mahigit isang linggo na kasing absent si Jose sa Eat Bulaga.
Pero agad nilinaw ni Ai Ai sa amin na ang pagpasok niya sa Kalyeserye ay para sa promo ng movie nila ni Vic Sotto sa Metro Manila Film Festival, ang “My Pabebe Luv.” “In God’s grace pumatok naman,” masayang bungad ni Ai Ai.

Pero mukhang magtutuluy-tuloy na raw ang komedyana sa Kalyeserye, “May konting problema lang, ‘yung schedule. Pero gagawan ng paraan,” sabi niya. Sa aming eksklusibong panayam kay Ai Ai, tinanong namin siya kung sino ang nakaisip ng karakter niya bilang si Lola Babah, “The character is ginawa ko na lang and the story sa
Kalyerserye. Ang name, sila (Eat Bulaga) ang nagbigay pero the character is sa akin,” kwento niya.

Speaking of “My Pabebe Luv,” hindi pa raw niya nakakasama sa eksena si Maine Mendoza pero kyut daw ang magkalabtim at nakaka-kilig.


Kinuha rin namin ang reaksyon ni Ai Ai sa sinabi ng box-office director na si Wenn Deramas kung magiging super lakas sa takilya ang first movie nina Maine at Alden na “My Pabebe Luv,” huwag naman daw balewalain ang hatak din nina Vic at Ai Ai sa mga manonood ng MMFF.

Makakatapat sa box-office ng “My Pabebe Luv” sa MMFF ngayong Pasko ang movie ni Direk Wenn na pinagbibidahan nina Vice Ganda at Coco Martin together with James Reid and Nadine Lustre.

“Modesty aside, yes, mare. Alam naman natin na si Bossing ang hari ng MMFF and sa side ko naman matagal na akong hindi nag-filmfest. But again, mo-desty aside, in God’s grace and gift ni Lord to me.
Ang mga pelikula ko sa MMFF ay blockbuster din naman. So, it’s a group effort kasi napakaraming fans ng AlDub. So, napakaganda ng combination,” pahayag ni Ai Ai.
Anyway, very fulfilling naman para kay Ai Ai ang pagse-celebrate niya ng kanyang kaarawan last Nov. 11. She celebrated her birthday by hosting a children’s party na may Mickey Mouse theme para sa mga mahihirap na bata.

Ang birthday wish ni Ai Ai, pa-tuloy siyang biyayaan ng Maykapal ng good health. Dasal din niya na marami ang sumuporta sa concert na pinrodyus niya para sa pagpapatayo ng Kristonghari Parish Church. Ang concert ay sa Nov. 23 na.

As usual, mara-ming material gifts ang natanggap niya on her birthday. Pero pinakagusto raw niya ‘yung gift ng boyfriend niya na si Gerald na isang Virgin Mary necklace na may picture nilang dalawa.

At syempre, ‘yung regalo ng mga anak niyang sina Sancho, Nicolo at Sophia, isang wood sculpture ng Last Supper, “Mahalaga sa akin ‘yun kasi inipon nila ‘yun para mabigyan ako ng regalo,” sabi ni Ai Ai.

Nasa Pilipinas ngayon ang unica hija niya na si Sophia para magbakasyon. In fact, si Sophia ang personal na tumanggap ng trophy ni Ai Ai sa Star Awards for Music ng PMPC na mapapanood sa Sunday’s Best ng ABS-CBN.

Nag-aaral pa rin si Sophia sa US at kumukuha ng kursong Psychology. Malamang isabay na ni Ai Ai pabalik ng US si Sophia.



No comments: