Wednesday, September 2, 2015

Concert ni Alden sa Araneta hinahanda na




HOW true na papasukin na rin ni Alden Richards ang concert scene?

If rumors are to be believed, magkakaroon daw ng concert si Alden sa Araneta Coliseum before the year ends. Should this be true, aba, magiging threat na rin siya sa iba pang young concert artists natin.

Nakakakanta naman si Alden, may boses naman siya and best of all, he has the charm kaya naman hindi kami magtataka kung mapupuno niya ang Araneta.

Of course, kung matutuloy ‘yon, it would probably also feature Maine Mendoza, also popularly known as Yaya Dub.

 Tiyak na marami ang kikiligin sa kanilang dalawa.
Sa ngayon ay busy pa si Alden sa pagre-record ng mga kanta sa kanyang first album. Of course, gagawan rin niya ‘yon ng music video. For sure, hindi mawawala si Maine sa MTV ni Alden.

Tila sunud-sunod ang suwerte ni Alden ngayon, ha. It really takes patience para suwertihin. Ngayon ay inaani na niya ang tagumpay all because he is a very patient guy, mabait pa.




No comments: