Thursday, August 6, 2015

Cherry Pie di pa rin maka-move on sa brutal na pagpatay sa ina



Hanggang ngayon pala ay hindi pa totally nakaka-move on ang award-winning character actress na si Cherry Pie Picache sa pagkamatay ng kanyang ina, halos isang taon na ngayon ang nakararaan.

Sa presscon ng bagong Primetime Bida series na On The Wings Of Love kung saan isa siya sa magiging support para sa James Reid-Nadine Lustre loveteam na siyang magbibida sa soap.
Kung matatandaan, brutal na pinaslang ang ina ni Cherry Pie na si Zenaida Sison sa loob mismo ng bahay nito sa Quezon City.

Ang dating houseboy ng ina ni Cherry Pie na si Michael Flores ang umako ng krimen at inaming nakadroga siya nang gawin niya ang pagpatay.
“We’re still praying for forgiveness and healing. Mahirap pero tuloy ang buhay,” chika ni Cherry Pie nang makausap ng mga reporter after ng question and answer portion sa presscon ng On The Wings Of Love.

Ayon sa aktres, 76 years old na sana ngayon ang ina at kung buhay pa ito, siguradong nag-eenjoy ito sa pagda-drive at ballroom dancing.

Sabi pa ni Pie, “Ang hirap (mag-move on). Siyempre natural naman sa atin ang magalit, gumanti. I mean I’m being honest. Pero, di ba iisipin mo, kaya tayo magkaiba kasi kami may Diyos.

So ‘yun naman ang pinagdadasal mo.”  Bukod kay Cherry Pie, kasama rin sa seryeng On The Wings Of Love ng JaDine (magsisimula na sa Aug. 10 sa Primetime Bida), sina Albie Casiño, Nanette Inventor, Jason Francisco, Joel Torre at Bianca Manalo.

No comments: