Thursday, August 6, 2015

Ate Guy binigyan ng P1.2-M ni Boy para maipagamot ang lalamunan



We were quite surprised to learn na ang laki-laki pala ng tulong na ibinigay ni Boy Abunda kay Nora Something para maipagamot na ang lalamunan nito.

Tama ba ang nakarating sa amin na P1.2 million ang perang ibinigay ni Boy kay Nora para matuloy na ang operasyon

Aba, napakalaking halaga noon, ha. Hindi basta-bastang pera ‘yon. But it seems that Nora is not determined to have her throat treated.

She keeps on postponing her operation, something which puzzles her fans and her followers as well.

Nandiyan na ang pera, kusang ibinigay na sa kanya, pero ayaw pa niyang magpaopera? Something is wrong somewhere.

We felt na baka maubos lang ni Nora Something ang pera nang hindi siya nakakapagpaopera. This is not the first time na tinulungan ni Boy si Nora. Noong nasa US pa ang aktres ay panay rin ang padala niya ng datung sa aktres kapag ito’y nangangailangan.

And when she came home, help pa rin nang help si Boy. Kapag nagge-guest nga raw ito sa The Buzz ay inaabutan pa rin ito ni Boy ng tseke.

Marami ang tumutulong kay Nora pero ang dapat niyang gawin ay tulungan niya ang sarili niya!

No comments: