Saturday, July 25, 2015

JaDine fans kinilig agad sa trailer ng ‘On The Wings Of Love’



MARAMING nagandahan sa trailer ng seryeng On The Wings of Love nina James Reid at Nadine Lustre na kinunan pa sa San Francisco, USA.
Ang ganda ng eksenang nagkasalubong sa isang lugar sina James at Nadine – habang medyo tulalang naglalakad ang binata ay bigla naman nitong nabangga si Nadine kaya halos magkahalikan na sila sa paglalapit ng kanilang mga mukha.
Si Antoinette Jadaone na direktor ng “English Only Please at “That Thing Called Tadhana” ang nagdirek ng On The Wings Of Love kasama si Jojo Saguin.
Nagtanong kami sa taga-Dos kung paano nakuha ng Dreamscape Entertainment si direk Antoinette dahil ang alam namin ay Star Cinema baby siya dahil doon siya nagsimula at expected namin na sa Star Creative TV din siya gagawa ng serye.
Sabi ng aming kausap, “Actually, sinabihan naman si Antoinette ni Ms. Malou (Santos) na after ng ‘That Thing Called Tadhana’, e, serye na, kaso sinabi ni Antoinette na kinausap na siya ni Deo (Endrinal ng Dreamscape) kaya wala silang nagawa.”
Mala-pelikula ang pagkakagawa ng On The Wings of Love ng JaDine dahil pinagbuti tiyak ito ni direk Antoinette dahil unang teleserye nga niya ito.

No comments: