Saturday, July 25, 2015

Dating syota ni Mahal na si Jimboy,Patay na!



DEAD on arrival daw kahapon ang dating miyembro ng youth-oriented show na That’s Entertainment na si Jimboy Salazar matapos itong isugod sa isang ospital sa San Miguel, Bulacan nang makaranas ng hirap sa paghinga.
Bago ito, kumalat noon na diumano’y AIDS ang sakit ni Jimboy, 42, ngunit mariin niya itong pinabulaanan sa isang interview.
Pero inamin niyang meron talaga siyang matinding sakit kaya kinaila-ngan niyang sumailalim sa mahabaang gamutan.
Kung matatandaan bago umamin si Jimboy na isa siyang bading, nakarelasyon pa niya ang komedyanteng si Mahal.
Nagkaroon din siya ng dyowang lalaki na kalaunan ay iniwan din siya. Ayon sa ulat, namatay si Jimboy dahil sa sakit na pneumonia.
Kamakailan ay na-interview pa ng Startalk sa GMA si Jimboy tungkol sa kanyang sakit, nabalita pa nga ang paghingi nito ng financial assistance sa mga dating kasamahan sa showbiz para sa kanyang pagpapagamot.

No comments: