Thursday, November 20, 2014

Xian sobrang hinhin kaya di type ni Kim

Natawa ako sa item regarding Xian Lim’s confession na meron daw siyang hindi magandang karanasan when he was still studying sa States. Kasi nga raw, dahil Asian siya kaya dama niya ang discrimination ng mga Puti.
Kaya hayun, puro bully raw ang inabot niya with his classmates kaya wala siyang masyadong friends. Hindi raw siya nakipag-close sa kanila because of that.
“Talaga? Eh bakit ngayon? Wala pa rin siyang masyadong friends dito sa Pilipinas? Pa-detach ang drama niya sa mga co-stars niya and staff ng any production na nakakatrabaho niya? Baka meron talagang problema sa kaniyang character si Xian Lim kaya wala siyang masyadong close friends.
“Iyan kasi ang dating niya sa colleagues niya, supladita kumbaga kaya ayaw nila sa kaniya,” talak ng isang baklitang friend namin na ayaw na ayaw talaga kay Xian Lim.
Hayaan niyo na, huwag niyo nang basagin ang trip ni Xian. Hayaan mo siyang mag-ilusyong sikat siya. May kakaibang angas kasi ang malditang Xian na ito – feeling niya kasi ay malayo na ang narating niya kaya pa-detach nga ang drama niya.
May kakaibang ugali kasi itong si Xian, yung feeling on top and big kaya nilalayuan siya ng mga kasamahan niya sa work.
Parang may sarili siyang mundo, may pagkabanidoso pa, di ba?
Siya ba yung naba-blind item na naglalagay ng merthiolate sa nipples and lips niya para magmukhang fresh and red ang mga ito? Just asking lang kasi nga, kalat na kalat ang kuwentong ito sa industry natin. Or baka namesake lang niya. Ha-hahaha!
“Tingnan mo si Kim Chiu, parang ayaw talaga sa kaniya. Parang hindi siya feel dahil masyadong mahinhin itong si Xian. Mas mahinhin pa yata siya kay Kim kaya hanggang loveteam lang talaga ang kaya ni Kim sa kaniya.
“Coming from a barako and guwapong si Gerald Anderson down to a mahinhing Xian Lim, understandable ngang matatagalan pang maka-move on si Kim. Ha-hahaha!” pagtataray pa ni baklita.
Naku, huwag niyo namang ganyanin si Xian, baka mag-walkout na naman tulad ng ginawa niya sa amin dati! Ha-hahaha!

No comments: