Thursday, November 20, 2014

Angel Aquino di tumatanda, mukhang sariwa pa rin


“NAKA-JACKPOT na naman ang ABS-CBN sa Bagito. Promising ‘yung Nash Aguas. Mahuhusay ang

ibinigay na support group sa kanya.” Ang reaksiyon na iyan ay galing mismo sa isang taga-GMA na nakapanood ng seryeng Bagito na nagsimula na last Monday sa Primetime Bida ng Dos.

Oo nga naman, talk of the town ngayon ang Bagito, sa dalawang non-showbiz events na dinaluhan namin ay pinag-uusapan talaga ang bagong serye ng Dreamscape Entertainment, bagay nga raw kay Nash ang papel niya bilang batang ama.

Bagama’t matagal nang napapanood si Nash sa mga programang Goin Bulilit at Luv U ay hindi naman siya talaga ang lead star, pero ngayon ay siya na  ang title role.

Pero mas pinuri ng kausap namin si Ella Cruz kaysa kay Alexa Ilacad, “Okay si Ella (bilang college student na nabuntis ni Nash) kaysa kay Alexa, sabagay hindi naman bibigyan ng role si Alexa ng hindi wholesome. Itatapat pa rin ‘yan kina Kathryn Bernardo at Liza Soberano. Si Ella okay na sa ganu’ng role kasi bagay sa kanya.”

As usual, puring-puri at gandang-ganda ang kausap namin kay Angel Aquino, “Ang ganda niya pa rin, parang hindi tumatanda, fresh pa rin siya. Ano bang beauty regimen no’n?”

Anyway, nakakuha naman ng 26.4% ang Bagito noong Martes kumpara sa katapat na programa sa GMA 7 na 10.7%. Abangan ang nakakawindang na eksena ni Nash kung paano niya inamin sa magulang niyang sina Angel at Ariel Rivera na magkakaanak na siya.

No comments: