Saturday, February 6, 2016

Rico Yan (1975 - 2002




Rico Yan (Real Name: Ricardo Carlos Castro Yan)

Siya si Ricardo Carlos Castro Yan na nakilala sa mundo ng showbiz bilang si Rico Yan. Ipinanganak noong March 14, 1975 sa Maynila, itinuring siyang isa sa matinee idols ng Star Magic (na kilala pa noon bilang “Talent Center”) noong kalagitnaan ng dekada nobenta. Isa rin siyang matagumpay na negosyante dahil sa kanyang mga negosyong tulad ng Orbitz Pearl Shake, Java Hut, at iba pa, at endorser ng iba’t ibang mga produkto tulad ngGreenwich Pizza, Talk ‘N Text, Master Facial Cleanser, Eggnog Cookies, at iba pa.
Nakita rin ang pagka-versatile ni Rico Yan dahil sa paglabas n’ya sa iba’t ibang mga programa ng ABS CBN. Umusbong ang angking talento n’ya sa acting sa mga programang tulad ng Mara Clara (original), Gimik, Mula Sa Puso (original), Saan Ka Man Naroroon, at mangilan-ngilang pagganap sa Maalaala Mo Kaya. Kinakitaan din siya ng talento sa pagpapatawa dahil sa programang Whattamen, at nagkaroon ng potensiyal bilang isang magaling na host sa programang Magandang Tanghali Bayan (MTB).
Nakasama din siya sa mga pelikulang pinagtambalan nila ni Claudine Barretto tulad ngDahil Mahal Na Mahal Kita, Mula Sa Puso The Movie, at Got 2 Believe, at sa mga pelikulang pinagsamahan nila ni Judy Ann Santos (na monay ang mga pisngi noon) tulad ng Paano Ang Puso Ko, Flames The Movie, Kay Tagal Kang Hinintay, at Gimik The Reunion.

No comments: